"Johan naman eee!" Shannon whined.
Umirap lang ako at kinuha na ang Minnie mouse hairband na binibigay niya sa akin at sinuot 'yon.
"Eto na! Dali, akin na phone mo," walang gana kong sagot.
Ngumit ng malawak si Shannon at kinurot ang pisngi ko. "Ang cutie mo! Kainis. Mas bagay sa'yo yung hair band kesa sakin."
Inirapan ko ulit siya. "Akin na nga phone mo, magvivideo na ako."
"Hindi! Ako ang magvivideo!" sabi niya at itinapat sakin ang phone niya.
Pinatunog ko naman ang iPod ko at pinlay ang dinownload ni Shannon na Wannabe.
At nagsimula na akong magpakabakla. I lip synced the song while making weird gestures. Habang ang girlfriend ko ay pinipigilan ang tawa niya.
Matagal bago natapos ni Shannon ang pag-edit dahil tawa siya ng tawa. Ako naman ay dumapa na lang sa kama. "Pasalamat kang babae ka. Nakuu."
I felt her butt on my back. "Shannon! Mabigat!"
"Mabigat ka dyan. Sexy ko kaya."
"Psh." At wala na akong nagawa. Hinayaan ko na lang siya humiga, dumapa, umupo, at magtumbling sa likod ko.
"Shannon, ang likot mo! Matutulog ako."
"Hmp." At naramdaman ko siyang umalis na sa likod ko kaya naman nagpalit ako ng pwesto. I'm now lying on my back.
I spread my arms at matic na humiga si Shannon sa braso ko.
"Tulog na tayo. Pinagod mo ko dyan sa Wannabe mo." I said while inhaling the scent of her hair.
"Kung hindi mo kasi pinansin yung japayuki, edi sana hindi na basag ang ego mo."
"Matagal na pong basag ang ego ko. Sa dami mong pinagawang kahihiyan sa akin e," I joked.
"So, nagsisisi ka? Ha? Ayaw mo na sakin?" Natinigan ko ng tampo ang boses niya.
"Never akong aayaw sayo. Kahit naman walang kapalit, gagawin ko para sayo. Basta sabihin mo lang."
"Drama mo, Romero! Tulog ka na nga."
"Hmm."
"Grabe, Shannon! Ang sweet niyo ni Johan sa mga pinost mong pictures! Kainis kayo!" Mandy slapped my arm while saying that.