Hidden Chapter 13: Christmas Kiss

5K 125 10
                                    

"Ganito kasi!" inagaw ko kay Johan ang spatula at ginawa ng ayos ang niluluto.


Nakita ko sa peripheral vision na napakamot sa batok si Johan.


"Bakit kasi kailangan ko pang matuto magluto e nandyan ka naman?" bulong niya.


Hinarap ko siya at tinutukan ng mainit na spatula. "May sinasabi ka?" pagmamataray ko.



---------


"Sabi ko aasawahin naman kita kaya may tagaluto na rin ako," paglilinaw ko na ikinatigil niya.


"O? Tameme ka?" pang-aasar ko.


"Che! Umalis ka na nga dito!" pagtatabay niya sakin.


"Opo, mahal na reyna," at nag-bow pa ako bago umalis sa kusina.


Mamaya ay Noche Buena na at magj-joint celebration kami ng pasko kasama ang mama at papa ni Shannon pati na rin ang tito at tita niya. Niyaya ko rin si mama dito sa bahay mamaya at natuwa ako nang pumayag siya.


Noong isang araw naganap ang Christmas party ng company. Tulad ng sinabi ko, isinama ko si Shannon.


"Okay lang na mag-inom ka ngayon. Sky is the limit. Kasama mo naman ako. Ako n a magd-drive pauwi. Enjoy ka lan," bilin sakin ni Shannon.


"Okay. Basta wag kang aalis sa tabi ko," I answered.


"Syempre. Lalandiin pa nga kita kung gusto mo. Lalo na't nandyan yang Bernice na yan."


Inakbayan ko siya at hinalikan ang tuktok ng ulo. "That's my girl."


I did what she said. Nag-enjoy nga ako. Matagal- tagal na rin kasi akong hindi nakakapag-inom. Ngayon lang ulit.


Hindi naman ako masyado kinulit ni Bernice. Buti naman at may natirang hiya pa sa babaeng yon.


"Picture naman tayo!" yaya ng isa sa mga kasamahan ko.


Agad namang nagcompress sila. Nakita kong lalaki ang tumabi kay Shannon kaya mabilis ko siyang hinatak na ikinagulat niya.


"Dito ka," bulong ko sabay tapik sa hita ko.


Kinunotan niya ako ng noo. "Bakit?"


"Gusto mo matsansingan?" asar kong tanong.


Mukhang nagets naman niya yong binulong ko dahil napatingin siya sa tabi bago kumandong sakin.


The Ex Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon