Agad kong sinalubong ang tumatakbo kong girlfriend na suot ng kanyang toga.
Katatapos lang ng graduation ceremony niya. Lumabas agad ako pagkakita kong nakuha na niya ang kanyang diploma. Tinext ko siyang sa labas na lang ako maghihintay.
Nakasunod naman sa kanya ang kanyang mommy at daddy, nakauuwi lang galing barko, at ang kanyang kuya na kauuwi rin lang galing sa Australia.
Yumapos sa akin si Shannon at ginawaran ko siya ng halik sa noo.
"Congrats, baby. I'm so proud of you," bulong ko habang nakatingin sa mga mata niyang nagniningning sa kasiyahan.
"Thank you, Johan. I wouldn't have done it without you," sagot niya.
"Ano namang kinalaman ko sa paggraduate mo ng medicine? E sariling sikap mo naman yan," I countered.
"Syempre, ikaw ang inspirasyon ko," she said and winked.
Naramdaman ko agad ang pag-iinit ng pisngi at tenga ko. Napansin yon ni Shannon kaya natawa siya.
"Kilig ka naman," hirit pa niya.
Nagpicturan kami kasama ang pamilya niya. Kinagabihan ay nagdinner kami sa bahay nina Shannon kasama ang family ko at tita at tito ni Shannon.
Nang matapos kumain ay nag-inuman kaming mga lalaki sa garden.
Dahil na rin siguro sa alak kaya nagkalakas ng loob akong magpaalam sa pamilya ni Shannon na magpropose kay sa prinsesa nila once niya ang kanyang residency.
Hindi alam ni Shannon ang balak kong yon. Hindi niya rin alam na nagpapaalam na ako ngayon sa pamilya niya. Nasa loob siya at nakikipag bonding sa pamilya ng kuya niya.
"Tito, pwedeng- pwede na kayong magretire. May bubuhay na sa anghel niyo," biro ko na ikinatawa nila.
"Oo nga, dad. Ibigay mo na si Shannon kay Johan nang wala ka nang aalalahanin," suporta sakin ni Kuya Sean.
"Nasayo na ang blessing ko, Johan. Alam kong ikaw na simula pa lang," nakangiting sagot ni tito.
"Sayo na ang prinsesa namin, Johan," dagdag ng tito ni Shannon.
Parang may mainit na kamay na bumalot sa dibdib ko pagkarinig noon. Ang 'oo' na lang ni Shannon ang kulang and I'm willing to wait for that.
Hindi ko namalayan ang panahon at fourth year anniversary na namin simula noong magkabalikan kami.
Mamaya, pagkatapos ng duty niya ay susunduin ko siya. Hindi pa naman ngayon ang pinaplano kong proposal. Next year pa yon. At sa susunod pa naming anniversary ko balak siyang pakasalan.
Naghihintay ako sa parking lot ng hospital at pagkakitang- pagkakita ko kay Shannon ay sinalubong ko agad siya.
Kitang- kita ko ang pagod sa mukha niya. Sino ba naman ang hindi mapapagod sa 24 hour shift, diba?
"Shan, kaya mo pa bang magdinner sa labas? O gusto mo house date na lang tayo?" bungad ko sa kanya.
Humalik muna siya sa pisngi ko bago pumasok sa pinto ng sasakyan na binuksan ko para sa kanya.
"House date na lang," matamlay niyang sagot.
At ayon. Nandito kami, magkayakap sa kama niya. Pinaglalaruan ko ang kamay niya habang inaamoy- amoy ang buhok. Siya naman ay nakaunan sa dibdib ko at nakapulupot ang mga hita sa tyan ko.