Hidden Chapter 6: The Struggle is Real

6.2K 151 8
                                    

Napasabunot ako sa buhok nang malaman na wala pa sa bahay ng tita niya si Shannon.


Kanina ko pa siya tinatawagan pero nagriring lang ang telepono niya.


"Masanay ka na, hijo. Hindi ito ang unang pagkakataon na hind na siya nakakapagpaalam," malumanay na sabi ng tita ni Shannon.


Napamaang ako dito.


How can she say something like that? Paano kung may mangyaring masama kay Shannon?!


"S-sige po. Sa kaibigan niya na lang ako magtatanong. Sorry po sa abala. Good night po," paalam ko kasabay ng pagmano bago umalis ng bahay ng tita ni Shannon.


Agad kong tinawagan si Mandy, ang bestfriend ni Shannon.


"Oh, Johan?"


"Dee, si Shannon? Nagtext ba sayo?"


"Hindi e. Pero yung kakilala kong classmate niya nagtext sakin. Kasama daw si Shannon kanina."


Napatuwid ako. "Nasaan daw?"


"Ang alam ko nasa Starbucks malapit sa school nila. Hindi ko lang alam kung hanggang ngayon ay nandon pa sila."


"Sige, salamat, Dee."


Agad na nagdrive ako papuntang Starbucks malapit sa school ni Shannon.


Pagkarating ko doon ay napabuntonghininga ako nang matanaw ang babaeng yon. May kasama siyang isang bakla at isa pang babae.


Naka-ponytail ang buhok niya at suot niya ang reading glasses niya. Nakabukas sa harap niya ang laptop habang may hawak na highlighter.


Ang ganda talaga ng mahal ko. I can't wait 'til she becomes my girlfriend again.


Hindi niya namalayan na nakalapit na ako kaya nagulat siya at ang mga kasama nang makitang umupo ako sa tabi ni Shannon.


Napatuwid naman ng upo si Shan at kinunotan ako ng noo.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.


Nakatingin lang samin ang mga kaibigang kasama niya.


"Hindi ka sumasagot sa mga tawag ko," maikli kong sagot.


"Can't you see I'm busy?" medyo iritado na ang boses niya.


"Sorry. Nag-alala lang naman ako. Dapat kasi nagte-"


"Please, Johan. Umalis ka na muna. I need to finish what I'm doing," seryoso niyang sabi bago bumalik sa ginagawa.


The Ex Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon