Masaya ako ngayon kasi finally, tapos ko na ang third year medicine proper. At next school year ay junior intern na ako.
Halos kalahati ng mga subjects ko ay nagawa kong ma-exempt ako. Aba, dapat lang! Pinaghirapan ko yon!
Dapat magbobonding kami ni Mandy at kasama si Joana pero sabi ko ay babawi muna ako ng tulog.
At ngayon ay mahimbing na akong makakatulog sa pinakamamahal kong kama. Ramdam ko na na magshushutdown na ang sistema ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
Urgh! Dapat pala nilock ko yon!
Inis kong binalingan ang sinumang Hudas ang nang-istorbo sakin.
At si Johan yon!
Sinamaan ko lang siya ng tingin pero ginantihan niya lang ako ng isang malawak na ngiti.
"Shannon my love! May balita ako!" masigla pa niyang sigaw bago lumapit sa akin.
Gusto ko sana siyang gantihan ng ngiti kaso inistorbo niya ang me-time ko.
Umupo ako galing sa pagkakahiga at tiningnan siya, waiting for his announcement.
"Look!" wika niya at iniabot sa akin ang isang papel na nakatupi ng maayos.
Binuksan ko yon at binasa.
Unti-unting nanlaki ang mata ko nang marealize na ang binabasa ko pala ay letter na nagsasabing isa siya sa mga architect ng kompanya na ipapadala sa Singapore para sa isang project.
Tiningnan ko si Johan na kumikinang ang mga mata.
I, too, am happy.
Hindi ko na napigilan at yumakap ako sa kanya. Ginantihan din naman niya ako ng mahigpit na yakap.
"Johan... I don't know what to say," bulong ko at humiwalay sa yakap bago siya tiningnan.
"Well, you can say na sobrang galing ng boyfriend mo kaya napili siyang ipadala sa Singapore," pagmamayabang niya.
Napairap naman ako. "Che! Ilang months to?"
"Three months lang, babe. Hayaan mo naman akong magpamiss sayo kahit minsan," he said and winked at me.
Sinapak ko siya.
"Asa ka namang mamimiss kita. Ikaw nga dyan baka isang linggo pa lang umuwi na dahil hindi mo kayang hindi ako nakikita," ganti ko at bumelat sa kanya.
At aba! Inirapan ako ng loko.
"Mas magaling ka pang umirap kesa sakin ha!"