Chapter 1 - Winter

381 13 0
                                    


~Sarang's

"Thank you for that poem, Ms. Crisostomo. Next on the list is Ms. Romero." Anunsyo ni Prof. Leilanie.

Habang nagkakaroon kami ng recitation, nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Bored na kasi ako sa pakikinig sa mga tula na gawa ng mga kaklase ko. Love kasi ang topic. Puro na lang kasi hugot este love yung ginawa nila. Parang ang saya kasi nila habang binabahagi yung gawa nila.

"Pssssst! Sarang!" Bulong ni Elisha, best friend ko.
"Hmmm?!" Sagot ko.
"Bilis! Ikaw na!!!" Ha? Anong??
"Ms. Romero, lumilipad na naman yang utak mo." Mukhang kanina pa niya ako tinatawag.

Dali-dali akong pumunta sa harapan. Tagalog ang ginawa ko para sa poem assignment namin dito sa Literature 101. Pwede naman daw tagalog eh.

Tumikhim muna ako para makuha ko ang atensyo nila.

Hindi ko pa naranasan ang umibig,
Makulong sa kanyang bisig.
Sa kalaliman ng gabi,
Rinig ang mga hikbi.

Hindi ko pa naranasan ang umibig,
Maramdaman init ng kanyang halik.
Maghihintay sa kanyang pagbabalik,
Puno ng pananabik.

Hindi ko pa naranasan ang umibig,
Maging tapat sa aking sinasambit.
Puso'y ikaw lamang ang binabanggit,
Isinisigaw ng paulit-ulit.

Hindi ko pa naransan ang umibig,
Maghihintay sa iyong pagdating.
Kung sakali'y ikaw ay dumating,
Ako'y nakikiusap, ako ay hanapin.

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Kita ko din ang ngiti kay Elisha at may thumbs up pang nalalaman.

"Ms. Romero, hindi mo nabanggit ang title ng iyong ginawa?" Tanong ni Prof. Leilanie.
"'Prinsipe' po ang title nun ma'am." Sagot ko.
"Hopeless romantic ka rin pala. Hindi ka pa ba nagkakaboyfriend?" Tanong niya ulit.
"Hindi pa po..." sagot ko.
"Ang lungkot ng love life mo. Halata sa katha mo.... sana mahanap mo na ang mamahalin mo, binibini." Sabi niya.

Natapos na ang klase namin sa Lit 101 pagkatapos ko. Saktong lunch na rin namin ni Elisha yun.

"Alam mo, bes, tama si Ma'am. Sana mahanap mo na yang 'Prinsipe' mo." pati ba naman si Elisha?

"Elisha, stop." binigay ko na sa kanya ang order niyang sandwich. "Please, huwag mo na ipaalala yang poem na yan. Ginawa ko lang yun para sa requirement natin sa Lit 101."

"Hay naku , Sarang! Wala akong ipinapaalala sayong past ha. Hindi ka pa rin ba over sa kanya?" usisa niya.

"Bes, I'm over it. Tandaan mo, 2 years ago na nung nangyari yun kaya please lang." Bakit pa kasi kailangan balikan ang mga iyon?

"If you are over it, then, stop wearing black." Sermon na naman ito.
"I love black. It suits me the best." pagdepensa ko.
"Yes, it suits you pero kailan ba kita huling nakita na nag-ibang kulay ng damit?" tanong niya.

"Minsan, I wear white." Sabi ko.

"Yes. Rarely! Bes, we need to go shopping! Baguhin na natin ang wardrobe mo..." pagpupumilit ni Elisha.

"Wala naman akong nakikitang mali sa wardrobe ko." depensa ko pa rin.

"Hay naku." She sighed. "I just miss the old Sarang Romero. I just miss you... The warm Sarang. The Happy Sarang... Not this ---"

My Prince Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon