Dreary
adj. \ ˈdrir-ē \
1 : feeling, displaying, or reflecting listlessness or discouragement
2 : having nothing likely to provide cheer, comfort, or interest~Sarang's
It is only a day before I go back to the Philippines. Nalaman ko din na na-enroll na ako ni Dad with the help of Elisha kaya pagdating ko doon ay magpapahinga lang ako ng isang araw at papasok na ako.
Totoo nga na nagshopping kami nila Mama Cate at Nathalie. Kahapon, nagbonding lang kami sa shopping district. Napag-alaman ko na mahilig si Nathalie sa film and she is thinking of taking film in college. She is smart and sweet girl parang si Mama Cate.
Since isang araw na lang naman ako dito ay hindi na ako binigyan ng mga events na pupuntahan at hinayaan na lang ako magpahinga. Pati na rin si Kael. He asked if he can skip palace duties today at pinayagan siya ni Papa Nathan.
"So, anong gagawin natin today?" tanong ko while we are still cuddling in bed. We just woke up.
"Ano bang gusto mong gawin?" tanong din niya while playing the natural curls of my hair.
"I just want to be beside you today. Hug you. Kiss you. Look at you." Malambing sabi ko.
"Can you just stay here?" tanong niya and there was a hint of persuasion in his tone.
"Malapit na rin naman ako matapos eh. Napag-usapan na natin ito." sabi ko sa kanya.
"Alright. Alam ko na ang gagawin natin today." pag-iiba niya.
"Anong gagawin natin today?" tanong ko.
"You. Me. In bed." sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.
"Baliw ka talaga! No. Alam ko na ang gagawin natin today! We'll go visit Lolo Marcial sa bahay niya and can we go around the city like normal people do?" suhestyon ko.
"That is a good idea. Sige. I'll drive today." sabi niya sabay pisil ng ilong ko.
"Hey!" natatawa kong protesta.
"But I like my suggestion more." sabi niya sabay haplos ng pingi ko.
"Hep! I'll take a shower na. Let's have breakfast na and go." tumayo na ako at iniwan siya sa kama.He is like a hungry beast. Naubos niya ang breakfast namin. He is also a beast last night kaya feeling ko gutom na gutom siya. Pagkatapos namin kumain ay bumati lang kami kay Mama Cate sa main palace at umalis na.
I know that I was a little girl when we moved to the Philippines. Kaya wala akong alaala nung nakatira pa kami dito sa Isle Bellagio. I knew mom loved this place dahil kahit mga bedtime stories ko ay tungkol sa pananatili niya dito.
We drove to my ancestral house where Lolo Marcial is living. May dala lang kaming orchids bilang regalo sa kanya. He likes plants and I know he will like our present.
"Mga apo ko..." bati niya sa amin ni Kael.
"Lolo." nagmano na kaming dalawa sa kanya.
"Tara at pumasok sa loob. Nagluto si Juanita ng pananghalian." paanyaya niya sa amin.Si Ate Juanita ang kasama ni Lolo sa bahay. Matagal na siyang parte ng pamilya namin bilang kasambahay kaya masaya ako na inaalagan niya si Lolo Marcial kahit mas malakas pa ito sa kalabaw.
"Uuwi ka na sa Pilipinas bukas, Sarang?" tanong ni Lolo habang nasa hapag kami.
"Opo, Lo. May bilin po ba kayo?" tanong ko habang kinukuha ng pagkain si Kael.
"Wala naman. Pagbalik mo sana dito ay may apo na ako sa tuhod." natatawa niyang sabi.
"Huwag kayong mag-alala, Lolo. On the way na po ang apo niyo." sabay pa ni Kael sa trip ni Lolo.
"Kayo talagang dalawa." sagot ko.
"Nako, apo. Bilisan mo grumaduate ha. Para pagbalik mo dito ay may kalaro na akong baby." pangloloko pa ni Lolo.
"Darating din po tayo diyan, Lo." nakangiti kong sabi.Again, that feeling of starting my own family with Kael makes my heart flutter. At the right time.
Pagkatapos namin kumain ay nagtsaa pa kami sa garden ni Lolo at nagkwentuhan sila ni Kael about politics tapos tungkol naman sa golf. Boys. Haaay.
![](https://img.wattpad.com/cover/44200908-288-k859176.jpg)
BINABASA MO ANG
My Prince Next Door
Romance[COMPLETE] Hindi sa lahat ng kwento, lalaki lang ang may issues. Hindi lang lalaki ang may nakaraan. Dahil sa nakaraan kong iyon, naging manhid ang puso ko. Hindi ko alam na dahan-dahan na pala itong naging bato. Pero nagbago ang lahat nung nakilala...