~Sarang's
"Congratulations! It's a baby boy!" sabi ng doktor sa akin at inabot ang aking baby.
Naluha ako ng hagkan ko ang anak ko. Totoo na ito. Nandito ka na, my love. Fighting for you is worth the wait.
"Ang pogi ng apo ko." sabi ni Dad.
Si Dad ang nakasama ko habang naglelabor ako. Si Lady Mary naman ay sinabi na kay Mama Cate na nanganak na ako.
"Kamukha niya po ang Daddy niya." sabi ko habang hinahaplos ang mukha ng anak ko.
"He'll be happy if he was here." sagot ni Dad.I felt my heart ache with what Dad said. What if he was here? Iiyak din ba siya sa tuwa?
"Magpahinga ka na, Sarang. You need to rest." sabi ni Dad.
"So, what is the name of your baby?" tanong nung nurse na nagfifill up ng form.Matagal kong pinag-isipan ang ipapangalan ko sa anak ko. I wanted it to be something strong dahil naging strong siya habang nasa loob siya ng sinapupunan ko.
"His name will be Constantine Aviv Lee." sabi ko.
Constantine came from Constantine the Great. A great ruler of the Roman Empire. I know that he will soon handle a kingdom and I would want him to be a great leader. Aviv is Hebrew for "spring."
"What a beautiful name. So, Mommy, you can now rest." sabi nung nurse at kinuha na si Tavi sa akin.
"Thank you." I said before I closed my eyes and rested.~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
After 4 years...
Nandito ako ngayon sa publication house. Ang dami kong tinatapos na stories ngayon dahil malapit na ang biggest book fair dito sa New York. Gusto kasi ng boss namin na magrelease ng mga bagong books para sa book fair. May natapos naman na ako sa revisions at finafinalize na lamang ang mga drawings sa loob ng libro.
"Angelina, I'll be out early today. I already asked Mr. Brosnan about it." paalam ko sa kanya habang nakatapat sa aking computer.
"Boss, we have team meeting later at 4pm about the book My Prince Next Door." paalala ng aking assistant.
"Yeah. I remember that. We'll push through with the meeting but we'll finish it early. Arrange the meeting room for later." nakangiti kong sagot sa kanya.Bumalik naman siya sa ginagawa niyang pag-aayos ng outline na ipapasa para sa susunod na release ng books ng bigla kong chineck ang aking cellphone.
From Dad:
Anak, huwag mong kakalimutan mamaya ha. Ang cake.Oo nga pala. Ako ang sinabihan ni Constantine na mag-uwi ng cake. Tinawag ko naman kaagad si Angelina at pinabili kaagad ng paborito nitong chocolate cake. Mamaya ko na lang dadalhin yun at ilalagay ko muna sa refrigerator ng opisina.
Pumatak na ang alas kwatro ay nagsimula na ang aming meeting. Ngayon lang susugal ang kumpanya na sumulat ng Young Adult novel at ang team namin ang naatasan na ayusin ito. Ako ang magsusulat ng kwento at ang team naman ang bahala sa iba pang kailangan para dito.
Ang isusulat kong kwento ay halos pareho ng kwento namin ni Kael. Dito ito inspired na medyo binago ko lang ang ibang aspeto ng kwento na aangkop para sa mga teenager. Ibang-iba ito sa mga sinulat kong children's books kaya sobrang excited at kinakabahan din ako.
Tuloy lang kami sa meeting nang tiningnan ko ang aking orasan.
5:20pm
Naku. Malelate na ako sa dinner kapag hindi pa ako umalis ngayon. Ayoko naman na umiyak si Constantine dahil wala pa ako. Medyo iyakin si Constantine pero minsan ay sobrang mature mag-isip. Kanino pa ba magmamana ang batang yun.
BINABASA MO ANG
My Prince Next Door
Romance[COMPLETE] Hindi sa lahat ng kwento, lalaki lang ang may issues. Hindi lang lalaki ang may nakaraan. Dahil sa nakaraan kong iyon, naging manhid ang puso ko. Hindi ko alam na dahan-dahan na pala itong naging bato. Pero nagbago ang lahat nung nakilala...