~Sarang's
Ngayong araw darating si Papa at Lolo Marcial dito sa palasyo para bisitahin ako. Dalawang araw na rin mula noong "umamin" ako kay Kael sa totoong nararamdaman ko.
Tama naman siguro ang desisyon ko ngayon na sundin ang puso ko. Akala ko ay papahirapan ako ni Kael dahil sa pagpayag ko sa kasal pero tahimik lang siya. Katahimikan pero nakakatakot pa rin kasi baka tinatago niya lang ang galit niya sa akin dahil nagsinungaling ako sa kanya noon at pinaglaruan ang nararamdaman niya.
Sa mga sinabi niya nung araw na iyon... Naramdaman kong minahal niya nga ako. At mahal niya ang bansa niya para isuko ang sarili niyang kaligayahan. Tunay na siya nga ang crown prince ng islang ito.
Kasalukuyang pinapipili ako ng aking mga court ladies na sina Lady Sarah at Lady Ana.
"Princess, ano pong dress ang isusuot niyo?" Tanong ni Lady Sarah.
"Hindi ba talaga pwedeng magpants? Mas comfortable ako dun eh." Tanong ko. Ang mga babae daw sa palasyo ay hindi pinapayagang magpants sa mga official events. O kaya kapag haharap sa mga bisita.
"Sorry po, Princess Sarang pero protocol po ito. Kailangan po natin sila sundin." Sabi naman ni Lady Ana.Alam kong nahihirapan sila sa akin. Ako rin naman nahihirapan dahil hindi ako sanay sa mga ganito. Mabuti na lang at medyo pinagpala ako sa talino dahil sa mga huling araw ay puro pag-aaral tungkol sa Isle Bellagio ang inatupag ko.
"Sige na nga. Naiintindihan ko naman. Kayo na lang pumili para sa akin. Hindi kasi ako magaling mamili diyan. Sana nandito ang best friend ko para matulungan ako." Sabi ko sa kanila.
"Darating din naman po si Miss Elisha kaya huwag na po kayo mag-alala." Sabi ni Lady Ana.
"Ito na lang pong yellow sunday dress ang isuot ninyo. Kami na rin po mag-aayos ng make up nyo at buhok." Sabi naman ni Lady Sarah.Hindi na ko umalma pa. Alam kong hindi ako mananalo sa kanila. Ginagawa lang naman nila ang trabaho nila. Hindi na lang ako nagpapakapal ng make-up kay Lady Sarah at pumapayag naman ito dahil sabi niya ay okay na daw sa akin ang natural make up. Saktong tapos na sila sa pag-aayos ng buhok ko ng biglang kumatok si Butler Lee.
"Crown Princess, handa na po ang almusal." Tawag niya.
"Sige. Palabas na ako." Sagot ko naman.Ganito kami araw-araw. Kailangan kong gumising ng maaga dahil maaga ang breakfast. Ito kasi ang gusto ni Kael. Dito kami sa East Palace nag-aalmusal at pupunta na lang kami sa Main Palace kapag pinatawag kami ng mga magulang niya.
Pagdating ko sa hapag ay nandun na si Kael sa kabisera. Hinihintay niya na ako. Umupo na ako sa upuan sa kanan niya. Inihanda na rin nila ang aming pagkain.
Pangalawang umaga na rin ito na hindi niya pinapansin kapag kumakain kami. Mapa-umaga o gabi, hindi niya ako pinapansin. Hinahayaan ko na lang siya.
Ganun ba siya kagalit sa akin?
Napayuko na lang ako. Ganito pala ang pakiramdam kapag na-reject ka. Kahit simple lang ito masakit pa rin. Paano pa kaya yung pagtanggi ko sa kanya noon? Mas masakit yun.
"Titingnan mo na lang ba ang pagkain?" Pagbasag niya sa katahimikan.
Napatingala ako sa kanya at dahan-dahang ngumiti. Kinausap niya ako. Tiningnan niya ako!
"Ah. Wala. Kakain na ako." Sabi ko at kinuha ang kubyertos.
Tahimik lang kaming kumain. Kaunti lang din ang kinain ko. Ganito ako kahit nung mga nakaraang araw. Siguro ay naninibago pa ako.
BINABASA MO ANG
My Prince Next Door
Romance[COMPLETE] Hindi sa lahat ng kwento, lalaki lang ang may issues. Hindi lang lalaki ang may nakaraan. Dahil sa nakaraan kong iyon, naging manhid ang puso ko. Hindi ko alam na dahan-dahan na pala itong naging bato. Pero nagbago ang lahat nung nakilala...