Chapter 9 - The Truth

191 7 1
                                    

~Sarang's

I was devastated. I really was. Hindi ko na lang pinahalata sa mga kaibigan ko na hindi ako okay. Hindi ko pinaramdam na affected ako sa pag-alis ni Kael. Pinangako ko na sa sarili ko na I would be better. At isa yun sa huling mga sinabi ni Kael sa akin bago siya umalis sa Splice Bar noon.

Rain started to pour together with the tears in my eyes.

"Bakit ba ako umiiyak? Hindi ba sabi ko sa kanya, wala siyang puwang sa puso ko?!" Galit na bulong ko sa sarili ko habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko.

Hindi na ako bumalik sa loob ng Splice. Pumunta na lang ako sa sasakyan ko para umuwi ng biglang may lumapit at sinilong ako sa payong.

"Aalis ka na?" Malambing niyang tanong.
"Justin." Hindi ko siya matingnan ng deretso. Alam kong hindi pa rin tumitigil ang luha ko.
"Are you crying?" Tanong niya ulit.
"Huwag ka na makulit. Please don't tell Elisha na nakita mo akong ganito. I'll text her na umuwi na ako. Sasabihin kong sumama ang pakiramdam ko." Nagmamakaawa kong sinabi sa kanya.
"Sinaktan ka ba niya?" Puro siya tanong.
"Sinaktan ko siya. Sinaktan ko ang sarili ko. Desisyon ko to. Ngayon lang ako hihingi ng pabor sa'yo. Huwag mo sasabihin sa kahit kanino na nakita mo ako ngayon na ganito. Mag-aalala lang sila." Sabi ko.
"And what? Bottle up the pain?! Solstice, please. Let me help you." Paghawak niya sa kamay ko.

Tinanggal ko ang pagkahawak niya sa kamay ko. Hindi ko kaya. Too much pain.

"No. I need to settle this myself. I can do this. I am getting better. Please. Huwag ka na magpapakita sa akin. Good bye, Justin." Ito na ang huli kong paalam.

Huling paalam sa unang pag-ibig.
Huling paalam sa taong iniibig.

"Hello? Earth calling Sarang!" Sabi ni Juliet.
"Yes?" Patay malisya kong sagot.
"Kanina ka pa namin tinatanong kung anong flavor ng ice cream ang gusto mo. Hindi ka na naman sumasagot. Spacing out?" Sabi ni Mo.
"Ay ganun ba. Sorry. Naisip ko lang kasi kung ano bang gagawin ko sa summer vacation. Pistachio flavor ang order ko." Kinakabahan kong sagot sa kanila.
"Oh Kuya Pogi. Pistachio daw sa kanya." Sabi naman ni Elisha sa waiter na chinito.
"Okay po, Ma'am." Sagot naman nung waiter at umalis na.
"Ano nga bang plano mo sa sembreak, Sarang?" Tanong ni Esther.
"1 month ako sa Isle Bellagio with my lolo. The remaining month, hindi pa ako sure." Sabi ko.
"And I'll be with you there for two weeks. Ay bes. Nga pala, baka sa 3rd week pa kita masamahan sa Isle Bellagio. May workshop kasi akong sasalihan eh. Sorry." Sabi ni Elisha.
"Okay lang yun bes. Basta pupunta ka pa rin." Sabi ko.
"Maganda ba dun? Balita ko maliit na country lang daw yun." Tanong ni Juliet.
"Sa pagkakaalala ko, maganda naman dun. Pero bata pa kasi ako nung huli kong punta dun." Sabi ko sa kanila.
"Next time, isama niyo naman kami dun." Sabi ni Mo.
"Huwag muna ngayon kasi may kanya-kanya na tayong plano para sa sembreak." Sabi ni Esther.
"Oh sige. Planuhin natin yan." Nakangiti kong sagot sa kanila.

Hindi na nila ako tinanong about kay Kael dahil nagpaalam naman daw ito sa kanila. Wala ako nun dahil sinamahan ako ni Daddy na pumunta sa embassy para kumuha ng papers para sa pagpunta ko sa Isle Bellagio.

Hindi ko alam kung paano ko nakakaya ang araw-araw na ngumiti kahit masakit pa rin ang sugat ng kahapon. Siguro nga. Totoo yung sinasabi ng iba na masasanay ka na lang sa sakit.

Pagkatapos namin sa ice cream parlor ay dumeretso na ako pauwi. Patapos na rin kasi ang pasukan at marami na kaming prof na hindi na nagpapapasok dahil tapos na rin naman ang mga klase namin sa kanila.

Pagdating ko sa condo, may mga lalaking naghahakot ng gamit sa unit ni Kael. Nakita ko si Mr. Choi.

"Hi Ms. Sarang!" Bati niya sa akin.
"Hello po, Mr. Choi." Bati ko rin sa kanya.
"Kamusta ka naman, iha?" Tanong niya.
"Okay naman po. Kayo po?" Tanong ko pabalik.
"Okay din. Nakita ko rin ang pamilya ko nung umuwi ako sa amin." Sabi niya ng nakangiti.
"Talaga po? Mabuti naman po yun. Mr. Choi, matanong ko lang. Bakit po kayo naghahakot ng gamit sa unit na yan?"
"Ah. Eh. Wala na kasi yung may-ari. Umuwi na siya sa kanila." Sabi niya.

My Prince Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon