Chapter 24 - Hypothermia

141 3 0
                                    

Hypothermia
noun \ ˌhī-pō-ˈthər-mē-ə \ 

subnormal temperature of the body (m-w.com)

~Sarang's

It has been 7 days since that night. Hindi kami nagpapansinan. Pinapansin lang namin ang isa't isa kapag kinakausap kami ni Butler Lee dahil baka magtaka sila sa amin. Natutulog pa rin kami sa iisang kwarto pero magkatalikod at magkalayo.

Nagpasa din ang paghawak niya sa akin noon at hanggang ngayon ay may marka pa rin ito. Lagi akong naka-long sleeves kahit ang init init. Malaking issue kapag nakita nila ang pasa ko sa braso.

Iniiwasan din naming ang isa't isa. Minsan lang kami nagkasabay kumain. Kapag nagpunta na siya sa opisina ay sa gabi ko lang siya ulit makikita. Sa almusal naman ay itinataon kong magjojogging ako para hindi ko siya makasabay kumain. Alam kong napapansin kami ni Lady Mary pero hindi sila nagsasalita.

Nasa kwarto ako ngayon at pinapipili nila Lady Ana ng isusuot sa dinner mamaya sa main palace. Friday ngayon at weekly kaming kumakain ng hapunan kasama sila Mama Cate.

"Princess, ano pong gusto niyong isuot dito?" tanong ni Lady Sarah.
"Wala bang may sleeves?" tanong ko.
"Sleeves po? Mainit po ang panahon, Princess." puna ni Lady Ana.
"I just want to wear sleeves these days." sabi ko.
"Ito po. Ito lang po ang may sleeves." pinakita naman ni Lady Ana ang isang white na dress na sakto lang ang manggas para matakpan ang pasa.

" pinakita naman ni Lady Ana ang isang white na dress na sakto lang ang manggas para matakpan ang pasa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pumasok na ako sa walk-in closet at nagbihis. Paglabas ko naman ay nakahanda na sila Lady Ana para ayusan naman ako nang biglang kumatok si Butler Lee.

"Princess, pinapasabi po ni Prince Kael na dumeretso na lang po kayo sa main palace." sabi niya.
"Okay." tipid kong sagot.

Hinatid lang ako ng isang buggy. Pagpasok ko naman ay sinalubong ako ng staff, just like the first time I entered this place. Nginitian ko na lang sila at naglakad na papunta sa dining room.

"Announcing the arrival of Crown Princess Sarang Solstice." anunsyo ni Butler Lee.

Pumasok naman ako at nakita ko sila Mama Cate at Papa Nathan na nakaupo na. Nagcurtsy ako at naglakad na sa upuan na katabi ni Kael.

"Hello po." ngiti kong bati kela Mama at Papa.
"Kamusta ka na, iha? Are you feeling better now?" tanong ni Mama Cate.
"Yes po. Nakakapag-jogging na nga po ako these past few days to de-stress." nakangiti ko naming sagot.
"Mabuti naman kung ganun. Pasensya na rin, Sarang, kung laging busy si Kael. Masyadong marami lang talagang ginagawa ngayon sa palasyo." sabi ni Papa Nathan.
"Okay lang naman po sa akin. Naiintindihan ko." sagot ko naman.

My Prince Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon