Hail
noun | \ ˈhāl \ | precipitation in the form of small balls or lumps usually consisting of layers of clear ice and compact snow (m-w.com)~Sarang's
Ilang araw na mula nung nangyari sa garden pero ganun pa rin talaga si Kael. Wala man lang improvement kada araw. Sa totoo lang, ang boring na ng buhay ko dito sa loob ng palasyo. Breakfast, morning greetings, tea, lunch, lessons, tea / meryenda, break, dinner, tulog. Ganyan lang ang ginagawa ko araw-araw. Gusto ko ng adventure. Alam ko tong pinasok ko pero kaya ko pa ba?
Kakayanin ko basta para kay Kael.Kasalukuyan akong nasa kwarto habang hinihintay ang dinner. Sa main palace daw kami kakain kaya naka-gown na naman ako. Ganito dito. Formal na lang palagi. I signed up for this. Kailangan kong panindigan ito.
Nag-check ako ng cellphone ko at nakitang nag-message pala si Elisha sa akin.
Elisha: Hi bes! Bukas na ako pupunta diyan sa Isle Bellagio! Dito na ako sa Seoul bakasyon lang ng sandali. I miss you! Sunduin mo ba ako sa airport?
Dali-dali naman akong nagreply sa kanya.
To Elisha: Miss na kita bes! Magpapaalam ako kung pwede kitang sunduin. Marami akong kwento sa'yo.
Wala pang isang minute at nagreply naman na siya agad. Hindi busy?
Elisha: Kailangan mo kong sunduin bes! Wala akong kakilala diyan. T^T
To Elisha: Basta. I'll text you kapag nakapagpaalam na ako.
Hihintayin ko pa sana ang reply ni Elisha ng biglang kumatok at pumasok sila Lady Sarah at Lady Ana.
"Princess Sarang, hinihintay ka na po ni Prince Kael sa labas. Pupunta na daw po kayo sa main palace." sabi ni Lady Ana.
Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Nasa labas na nga si Kael at nakasakay sa caddy. Kami lang dalawa?
"Bilisan mo. Malelate na tayo." Malamig niyang sabi.
Dali-dali naman akong sumakay sa tabi niya at nag-drive na siya papunta sa main palace. Tahimik lang kaming dalawa habang papunta dun. Ganyan naman si Kael eh. Parang may virus ako o kaya hindi talaga ako nag-eexist. Akala ko ba mahal ako ng taong to?! May worth fighting for pa siyang nalalaman. Psh.
"Nakasimangot ka." sabi niya pagbasag sa katahimikan.
"Ha? Hindi ah." depensa ko.
"You were pouting the whole time." sabi pa niya.
"You were observing me?" may pag-asa sa tono ko.
"No. Naiirita lang ako kapag nakikita kang nakaganun." sabi niya pa ulit.
"Whatever." bulong ko.Come to think of it. That was the longest conversation that we've had since that night. May point na naman ako! Haha!
Pagdating namin sa palasyo ay sinalubong kami ng mga butlers at maids at dumeretso na kami sa grand dinner hall. Nandun sila Dad at Lolo Marcial kaya naging masaya ang kain ko nung gabing iyon. Masaya ang naging dinner namin dahil nagkwento sila Lolo Michael at Lolo Marcial sa fishing trip nila nung isang araw.
"Dad, Mama Cate, Papa Nathan, Lolo Marcial, and Lolo Michael." tawag ko sa kanila habang nagdedessert.
"Ano yun, anak?" sabi naman ni Papa. Napalingon silang lahat sa akin.
"Magpapaalam po sana ako. Pwede ko po bang sunduin si Elisha sa airport bukas? Hindi pa po niya kasi alam ang nangyari at balak ko po sanang sabihin sa kanya bukas. At kung pwede po sana ay dito po siya magstay hanggang sa kasal namin ni Kael. Kung okay lang po sana." sabi ko at sabay napayuko ako.Tahimik lang sila. May nasabi ba akong mali?
"Kael? Ano sa tingin mo?" sabi ni Queen Cate.
"Apo, nagpapaalam ang prinsesa." sabi naman ni Lolo Michael.
BINABASA MO ANG
My Prince Next Door
Любовные романы[COMPLETE] Hindi sa lahat ng kwento, lalaki lang ang may issues. Hindi lang lalaki ang may nakaraan. Dahil sa nakaraan kong iyon, naging manhid ang puso ko. Hindi ko alam na dahan-dahan na pala itong naging bato. Pero nagbago ang lahat nung nakilala...