Bleak
adj. \ ˈblēk \
1 exposed and barren and often windswept
2 Cold, Raw
3a : lacking in warmth, life, or kindliness
3b : not hopeful or encouraging
3c : severely simple or austere (m-w.com)~Sarang's
I tried to brush off the things that I knew from Terrence. Ang importante naman ngayon ay asawa ko na si Kael di ba?
But I am still bothered by the fact na parang hindi ko kilala ang asawa ko dahil hindi ko kilala ang mga taong parte o naging parte ng buhay niya. Pero hindi naman required na malaman ko lahat ang lahat di ba? To think na ilang buwan pa lang kaming magkakilala talaga.
Did everything happened too fast?
Masyado bang 'hilaw' ang relasyon naming ito? Alam ko naman na hindi ganun ang iniisip ni Kael dahil araw-araw niyang sinasabi sa akin na mahal niya ako.
"Sarang! Mahal ka niya!" pagalit kong bulong sa sarili ko habang nakatitig sa kisame ng kama ko.
"Princess, gumising na po kayo. May klase po kayo ngayong alas otso." sabi ni Lady Mary sa labas ng kwarto ko.
"Sige." matipid kong sabi at bumangon na.Pang-apat na araw na mula nung pasukan. Pasukan na rin ni Kael sa Isle Bellagio at mukhang naging busy siya agad dahil overloaded siya dahil hinahabol niya na makatapos this semester samantalang ako naman ay sa susunod pa. Nalaman ko rin na hilig nila ni Terrence na mag-advance classes kaya kahit batchmates sila ni Kael ay natapos na niya ang degree niya. Dito na rin siya sa Pilipinas nagtratrabaho para daw maging malapit siya kay Elisha. Siya ngayon ang humahawak ng branch ng art museum nila dito sa Pilipinas. Elisha is lucky with Terrence dahil ginawa niya ang lahat para hindi na ulit mapalayo sa kanya. That is true love.
"Bes, nagawa mo na ba yung pinapagawa ng adviser mo? Nakapagsimula ka na ba sa practicum mo?" tanong ni Elisha sa akin habang naglulunch kami sa cafeteria.
"Oo nga pala. May schedule ako ng practicum mamaya sa art gallery nila Terrence. Ikaw ba?" tanong ko rin.
"Oo. Buti ka pa sa art gallery ni Terrence nakapasok. Bakit ba kasi hindi ako nag-apply dun?" nanghihinayang kasi siya.
"Sabi mo kasi ayaw mo sa art gallery. Gusto mo sa theatre." pang-aasar ko sa kanya.
"Okay na rin yun, bes. At least ikaw ang kasama ni Terrence dun. Tsaka gusto ko talaga sa teatro. Alam mo naman yan." sabi pa niya.We continued our lunch. I was checking on my phone pero wala. Walang paramdam sa kanya. Busy din siya siguro. Ako na lang ang nagtext sa kanya. Baka mamaya mag-reply siya kapag hindi na siya busy.
To: My Summer
My summer, did you have lunch? Huwag pabayaan ang sarili ha? May practicum ako later baka gabi na ako makauwi. I miss you every single day. See you in a week!Pagkatapos ng huli naming klase ni Elisha ay dumeretso na kami sa mga practicum namin. On the way din naman pala ang teatro niya kaya ibinaba ko na lang siya doon. Sa art gallery na lang daw siya pupunta mamaya para sabay kami magdinner.
Winelcome naman ako ng Bellagio Art Gallery staff lalo na ni Terrence. Lahat naman sila ay naging mabait sa akin at madali lang naman pala ang trabaho ko dito. Mag-iinventory lang ako ng mga art pieces na darating at mag-eexhibition hanggang sa mabenta ito.
"Meeting everyone in 5 minutes. Including interns." anunsyo naman ni Yan, ang bading na secretary ni Terrence.
Pumunta naman kami sa malaking conference room sa third floor. Kapag sinabing everyone, everyone talaga kasi kahit mga janitors ay kasama. Nakakatuwa dahil napaka-inclusive nila dito.
"Agenda for today is to welcome our new interns and to talk about the upcoming exhibition of Prince Liam of Isle Bellagio." anunsyo ni Yan.
Prince Liam? Mag-eexhibition si Liam? Amazing.
![](https://img.wattpad.com/cover/44200908-288-k859176.jpg)
BINABASA MO ANG
My Prince Next Door
Romance[COMPLETE] Hindi sa lahat ng kwento, lalaki lang ang may issues. Hindi lang lalaki ang may nakaraan. Dahil sa nakaraan kong iyon, naging manhid ang puso ko. Hindi ko alam na dahan-dahan na pala itong naging bato. Pero nagbago ang lahat nung nakilala...