Spring
noun \ ˈspriŋ \the season between winter and summer : the season when plants and trees begin to grow (m-w.com)
~Sarang's
Sa sobrang gulat ko sa pagkikita namin ni Kael ay nagmadali akong pumasok sa aking suite. Pagkasara ko ng pinto ko ay hawak ko ang dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Parang lahat nang na-rehearse ko sa apat na taon ay parang nawala. I was caught off guard sa mga nangyari.
Nagising naman ako sa realidad nang marinig ko ang ring ng telepono. Dali-dali naman akong pumunta sa desk para sagutin ito.
"Hello?" sagot ko.
Ms. Sarang, the van is already waiting for you at the lobby. Ang front desk pala iyon.
"Okay. I'll go down." sabi ko at kinuha lang ang aking bag at lumabas na.
Pagdating ko naman sa lobby ay binati ako ng front desk at sinabing nasa labas na ang van. Paglabas ko naman ay iisang van lang ang nandun at mukhang ito nga yung tour guide namin.
"Hello, Ms. Sarang. I am Harry, your tour guide." pakilala niya.
"Hi! Sorry, I am late." sabi ko naman.
"It's okay. Please get in." sabi niya at binuksan na ang pinto ng van.Pagbukas ng pinto ay laking gulat ko na lang na may pamilyar na lalaki na nakaupo. Nakatingin lang siya sa kanyang cellphone kaya siguro hindi niya ako napansin. Sumakay na lang ako at umupo sa upuan sa likuran niya. Sumakay na rin si Harry at umandar na ang van.
Teka! Kaming dalawa lang? Kaming dalawa lang ang magkasama?!
"Welcome to our city tour! I'll be guiding you around the city. Again, my name is Harry." pakilala ulit ni Harry.
Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Ano ba? Hindi ba niya ako napansin?!
Marami pang kinwento si Harry about the history ng Bali tapos ay pumunta kami sa mga museums nila. He didn't look at me or at my direction. Parang hindi ako nag-eexist sa paningin niya. Medyo naiirita na rin ako.
Tumagal ang city tour ng limang oras. Sobrang napagod ako sa kakalakad. At dahil medyo ma-traffic pabalik ng city, pinagpahinga muna kami ni Harry na hanggang ngayon ay may energy pa. Mukhang nakalaklak ng energy drink ang taong to. Pagod na ako. Nakadagdag pa sa pagod ang hindi pagpansin sa akin ni Kael. Nakakapagod sa pag-iisip at sa puso. Sinandal ko na lamang ang aking ulo sa bintana sa kaliwa at pumikit.
Habang umaandar ang sasakyan ay lagi akong naalimpungatan. At sa bawat pag-gising ko ay nararamdaman kong nakabaling na ang ulo ko sa kanan at parang nakasandal sa kung saan. Wala na akong pakialam. Mas gusto kong matulog dahil ilang araw na rin akong wala masyadong tulog dahil may pinapasa na chapter sa akin si Mr. Brosnan.
"Ms. Sarang, we are here." paggising sa akin ni Harry.
Dali-dali naman akong umupo ng tuwid at una kong hinanap ay si Kael. Wala na siya. Nakababa na siguro. Tipid kong nginitian si Harry at nagpasalamat sa kanya. Pumasok na ako sa hotel at binati naman ako ng front desk attendant.
"Ms. Sarang! For your dinner, it will be at G Bar. We'll prepare a table for you." sabi niya.
"Okay. Thanks." sabi ko at pumunta na sa may elevator.Oo nga pala. Si Lolo Michael ang nag-arrange nitong bakasyon na ito. Hindi ko naman ineexpect na pati pala kanina ay kasama siya. Expected ko na magkikita kami pero hindi naman sa ganitong kalapit sa kanya. Katabing suite. Kasama sa city tour. Ano pa kayang pinlano ni Lolo Michael?
BINABASA MO ANG
My Prince Next Door
Romance[COMPLETE] Hindi sa lahat ng kwento, lalaki lang ang may issues. Hindi lang lalaki ang may nakaraan. Dahil sa nakaraan kong iyon, naging manhid ang puso ko. Hindi ko alam na dahan-dahan na pala itong naging bato. Pero nagbago ang lahat nung nakilala...