Jack Frost is the personification of ice, snow, sleet, winter, and freezing cold. He is a variant of who is held responsible for frosty weather, nipping the fingers and toes in such weather, coloring the foliage in autumn, and leaving fern-like patterns on cold windows in winter. (Wikipedia)
~Sarang's
Paulit-ulit kong kinekwento kay Elisha ang mga nangyari sa akin dito sa Isle Bellagio. Hanggang ngayon at hindi pa rin siya makapaniwala na arranged marriage kami ni Kael. Sobrang nawindang siya sa mga nalaman at siya na rin mismo at napansin na iba si Kael sa kanyang nakilala noon.
"Bes, talaga bang ganun siya?" tanong sa akin ni Elisha habang nagtsatsaa kami dito sa mini garden.
"Oo. Simula nung dumating ako, ganyan na siya." sabi ko.
"Alam ba ni Queen Cate at King Nathan na magkakilala na kayo before?" tanong niya.
"Hindi ko alam pero hindi ko pa sila nakakausap ng kami lang. Lagi kasing kasama si Kael kaya hindi ako makapagkwento sa kanila." sabi ko habang nilalaro ang tsaa.
"Hay nako. Paano na yung mga plano pala natin?" tanong niya habang namimili ng biskwit.
"Kailangang magpaalam muna ako kay Kael tapos kela Mama Cate." sabi ko.Nalulungkot lang ako na maisip na baka hindi ako payagan ni Kael.
Nagkwento na lang si Elisha sa mga naging lessons niya kasama si Ms. Trina ng makarinig kami ng ingay mula sa loob ng bahay.
"Lady Ana, sino po ang dumating?" tanong ko kay Lady Ana na nakatayo sa may pinto.
"Si Prince Kael po at si Mr. Terrence Choi po. Best friend ni Prince." sabi niya.Pareho kaming nagulat ni Elisha. Oh no! Si Terrence? Ang first love ni Elisha.
Dali-dali naming tumayo si Elisha at pumasok sa bahay na sinundan ko naman. Hindi nga kami nagkakamali. Si Terrence nga na naging exchange student din sa university dati. Siya nga! Kita sa mukha ni Terrence ang gulat at kalituhan.
"Sarang, Elisha. Si Terrence, best friend ko." Pakilala ni Kael habang nagtatanggal ng coat niya. Mukhang kagagaling lang nila mangabayo.
"Elisha..." mahinang sabi ni Terrence.
"Terrence?" nanginginig ang boses ni Elisha.
"Bes? Tara na muna sa kwarto..." hawak ko sa braso si Elisha. Ramdam ko ang gulat at panghihina niya.Inalalayan ko si Elisha at pagpasok naming sa kwarto ay tumulo na ang mga luha niya.
"Bes, akala ko hindi ko na siya makikita." sabi niya habang nakayakap sa akin.
"Tahan na, Bes." pag-aalo ko sa kanya.
"Bes, hindi niya ako minahal nun. Bes, hindi." sabi niya.
"Bes... Hindi ko alam na magbest friend sila." sabi ko.Kumalas na siya ng yakap at umupo sa kama. "He was my greatest love."
Totoo na si Terrence ang greatest love ni Elisha. Pagdating ni Terrence sa university noon ay niligawan niya si Elisha. Siya na ata ang sweetest na tao na nakilala ko. Siya yung super dikit ng dikit kay Elisha. Noong una ay ayaw niya kay Terrence pero dahil sa kabaitan at pagpupursigi niya kay Elisha ay nagustuhan na niya rin ito. Hanggang sa ma-in-love na siya rito. Nung araw na dapat sasagutin niya si Terrence ay nakita namin ito sa bar na may kayakap at kalandian na babae. It was the first time Elisha opened herself and loved a man. Pero sinaktan lang siya nito. Walang pali-paliwanag, nalaman na lang namin kinabukasan na umalis na si Terrence at bumalik na sa bansa nito. And from then on, it scarred Elisha's heart.
Hinayaan na lang muna namin si Elisha na makapagpahinga dahil sa kakaiyak niya. Dinalhan na lang siya nila Lady Ana ng pagkain. Pinasama ko muna si Lady Sarah sa kanya para may nagbabantay sa kanya.
Paglabas ko ay nasa living room si Terrence at Kael. Si Terrence ay mukhang tensionado habang si Kael naman ay nagbabasa lang ng libro.
"Sarang. Kamusta na si Elisha?" tumayo si Terrence at tinanong ako.
"Kakatulog niya lang sa pagod kakaiyak." sabi ko at lumapit na sa kanila.
"Hayaan na muna natin siya." sabi ni Kael. May care pa pala siya kay Elisha. Buti pa si Elisha.
"Terrence, I hope you clear things with Elisha. Kita mo naman na nasasaktan pa rin siya. Sabihin mo sa amin, sa kanya, kung ano yung nangyari nung gabing yun. Bakit mo na lang siya iniwan sa ere, Terrence? Importante ka sa best friend ko!" hindi ko na napigilang maiyak. Mahal ko si Elisha at ayaw kong nasasaktan ang mga taong mahal ko.
"It is very complicated, Sarang." sabi niya. "Mauna na ako, Kael, Sarang."
BINABASA MO ANG
My Prince Next Door
Romance[COMPLETE] Hindi sa lahat ng kwento, lalaki lang ang may issues. Hindi lang lalaki ang may nakaraan. Dahil sa nakaraan kong iyon, naging manhid ang puso ko. Hindi ko alam na dahan-dahan na pala itong naging bato. Pero nagbago ang lahat nung nakilala...