Chapter 16 - Gale

178 5 1
                                    

Gale
noun: \ ˈgāl \
1 a : a strong current of air:
(1) : a wind from 32 to 63 miles per hour (about 51 to 102 kilometers per hour)
2 : an emotional outburst


~Sarang's

Who would've thought na aabot kami sa ganitong sitwasyon ni Kael. Akala ko talaga dead end na kami nung umalis siya noon. Pero ngayon, ikakasal na kami. Who would've thought.

Everything was fate. This is our fate.

"Princess..." tawag sa akin ng pamilyar na boses.
"Dad..." bati ko sa kanya.

Kahit si Dad at nagcurtsy sa akin. Prinsesa na nga talaga ako. Tunay na prinsesa.

"Ang ganda mo ngayon, anak. Alam kong masaya din ang mommy mo ngayon." naiiyak na sabi niya.
"Dad, 'wag mo ko paiyakin please. Masisira make-up ko." sabi ko sa kanya.
"Tama na nga. Basta ang tatandaan mo lang anak, kapag sinaktan ka niya, babawiin kita." sabi pa niya habang yakap ako.
"Kael will not do that, Dad." sabi ko sa kanya.
"I know... Just saying some old school dad lines." pagbibiro niya.
"Mr. Romero and Princess Sarang, family picture po tayo." sabi ng photographer.

Nasa holding area na ako bago ako sumakay ng sasakyan papunta sa cathedral. Kasama ko si Elisha sa sasakyan dahil siya naman ang maid of honor ko. Tanging mga kapamilya at kaibigan ko lang ang pwede sa loob ng holding area. Dumating na rin pala sila Mo na ikinagulat ang mga nangyari. Sabi naman nila Queen Cate ay bibigyan nila kami ni Kael ng isang buwan para makagala with our friends and para sa honeymoon namin bago gawin ang official duties. At dahil estudyante pa kami ay ipapatapos muna ang degree naming bago kami I-declare na King and Queen ng Isle Bellagio. Yun daw ang bagong decree ni Queen Cate pagkatapos nung mga nangyari sa kanila dati.

"Nakakaloka si Kael!" sabi ni Elisha habang inaayos ang gown ko.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Kasi naman. Ang daming tanong ng fiancé mo. Lahat pinapatanong kay Terrence! Naii-stress na ako ha!" naiiritang tipa ni Elisha sa phone niya.
"Dahan-dahan lang. Baka mabutas yung phone mo. Sorry na bes, alam mo naman na bawal kaming magphone. Tsaka nakakausap mo naman si Terrence. Okay lang yan." pabiro kong sabi sa kanya.
"Nako. Baka naman umasa agad si koya at isiping okay na kami. Kailangan pa niyang bumawi sa akin!" natatawa naman niyang sagot.
"I'm happy for you, bes." sabi ko sa kanya.

Tumayo na si Elisha at yinakap ako. "Mas masaya ako para sa'yo, bes."

Lumabas na kami ni Elisha at sumakay ng sasakyan. Dadaanan namin ang mga citizens ng Isle Bellagio na nag-aabang sa kasal namin. Marami naman akong nabasa na positive comments online tungkol sa engagement namin. A lot of them sent their wishes and love sa aming dalawa. Ganun siguro talaga ang mga taga-Isle Bellagio, welcoming.

Paglabas namin ay marami na ang nag-aabang sa gilid ng kalsada and they were cheering and waving at me. Hindi ko naman mapigilan na kumaway sa kanila. Mahal sila ni Kael kaya mahal ko rin sila.

Pagdating namin sa labas ng simabahan ay naghihintay na sila Lady Ana at Lady Sarah. Sila ang nagbukas ng pinto ko at tinulungan ako lumabas. Paglabas ko ay inayos naman ni Elisha ang gown ko at huling kaway bago ako pumunta sa pintuan ng simbahan.

This is it. Sabi ko sa sarili ko.

Pagpasok ko ay may isa pang pinto papunta sa main church. Nandun na si Lolo Marcial at Dad hinihintay ako dahil sila ang maghahatid sa akin sa altar.

My Prince Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon