Chapter 15 - Comforter

182 8 1
                                    

Comforter s
noun: \ ˈkəm(p)-fər-tər , ˈkəm(p)-fə-tər \ 
1 a capitalized
b : one that gives comfort
2 a : a long narrow usually knitted neck scarf 
b : a thick bed covering made of two layers of cloth containing a filling (m-w.com)

~Sarang's

"Princess, handa na po ang inyong dress." sabi ni Lady Ana.

Ngayong gabi na ang presentation party ko at engagement party namin ni Kael. Nagkaroon lang ako ng final briefing with Butler Lee bago ako ayusan nila Lady Ana. Simpleng make-up lang ang ginawa sa akin.

"Bes?" tanong ni Elisha. Siya naman ang nag-ayos ng buhok ko.
"Hmm?" sagot ko habang nagkakabisado ng speech.
"Ready ka na ba?" tanong niya.
"Ready na saan?" sagot ko.
"Sa lahat..." sagot naman niya habang sinusuklayan ang buhok ko.
"Sa totoo lang, nakakatakot. Kinakabahan ako sa mga ano pang mangyayari. Pero ang importante sa akin ay ang ngayon." nakangiti kong sagot sa kanya.
"Sana maging handa din ako..." sagot niya.

Tumayo naman at ako at yinakap si Elisha. I know she is still in pain pero alam kong magiging okay din ang lahat.

"Magiging okay din ang lahat para sa'yo bes." sabi ko.
"Bakit ba ang drama natin?! Tapos na ako sa buhok mo. Magpalit ka na nga dun! Ang drama natin eh." sabi niya habang nagpupunas ng luha.
"Hala. Sino kaya ang ma-drama?" natatawa kong sinabi habang papasok ng dressing room.

Paglabas ko ng dressing room ay kitang-kita ang gulat at kasiyahan ng mga tao. Lalo na si Dad at Lolo Marcial.

"Ang ganda mo, anak." sabi ni Dad.
"Princess..." sabi naman nila Lady Ana at nag-curtsy.
"Bagay na bagay sa'yo ang dress mo, bes!" sabi ni Elisha.

I was wearing a pink dress. Kung dati ay laging itim ang sinusuot ko ngayon naman ay laging pastel colors at na-eenjoy ko naman. I am feeling summer. Ramdam ko ang init ng pagmamahal ng mga tao... Lalo na ni Kael.

"We'll be starting in 10 minutes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"We'll be starting in 10 minutes. Pwede na po tayong bumaba except for the princess." nakangiting sabi ni Butler Lee.

They just said their temporary goodbyes at umalis na. I am now ready for my grand entrance. Ganito daw talaga ang tradition kapag may pinapakilalang bagong royalty. Iba na rin ang kaba ko.

Huwag kang madadapa, Sarang.

"Huwag ka pong mag-alala, Princess Sarang. Nasa baba na po si Prince Kael. Sasaluhin ka po niya kapag nahulog ka." sabi ni Lady Sarah.
"Huwag kang ganyan, Lady Sarah. Kinikilig ako." natatawa kong sabi sa kanya.
"Ayan. Much better. Ngumingiti ka na." sabi ni Lady Ana.
"Pero seryoso ako dun, Princess. Sasaluhin ka ng prinsipe." sabay kindat na sabi ni Lady Sarah.
"Wala. Nahulog na ako." nakangiti kong sabi sa kanila.
"Malalaman natin mamaya kung tuluyan ka nang sinalo. Tara na po sa pinto." sabi ni Lady Ana.

My Prince Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon