Chapter 14 - Duvet

201 6 2
                                    

Duvet
/ˌdo͞oˈvā/
noun: a soft quilt filled with down, feathers, or a synthetic fiber, used instead of an upper sheet and blankets.

~Sarang's

Medyo mas okay na si Elisha ngayon. Hindi pa rin bumabalik si Terrence dito pero lagi siyang tumatawag sa amin ni Kael para kamustahin siya. Humingi ako ng tawad sa kanya sa nangyari nung isang araw at sabi naman niya ay naiintindihan naman niya ako. Bibigyan niya na lang muna ng space si Elisha. Sabi naman ni Elisha sa akin ay okay siya pero ayaw pa niya munang makausap si Terrence.

Matapos din ng mga kaganapan sa royal family, napag-usapan na sa Apartment B ng Southeast Palace muna titira si Liam. Hindi pwedeng magstay si Ms. Sandra dito dahil hindi naman siya parte ng royal family. Bukas ay magkakaroon ng council meeting ang royal family para malaman kung ano ang uunahin.

Kung ang kasal namin ni Kael o ang pagpapakilala kay Liam.

Kung uunahin ang kasal namin ay ipapakilala na ako sa buong Isle Bellagio sa makalawa, dalawang araw bago ang kasal namin. Sa mismong birthday ni Kael ang kasal kaya puspusan pa rin ang paghahanda kahit hindi sigurado sa kung ano ang uunahin.

Dahil sa mga kaganapan, niyaya muna ni Princess Nathalie si Elisha na maglibot sa isla. Hindi pa rin ako makalabas dahil hindi ako pinapayagan na lumabas ni Kael. Ever since that day, he became overprotective. Hindi niya akong hinahayaan na lumabas na hindi siya kasama at dahil tapos ko na rin ang lessons ko ay ginugugol ko na lang ang oras ko sa pagbabasa dito sa mini garden.

"Announcing the arrival of Queen Sofia Catherine." anunsyo ni Lady Anabelle, ang assistant ni Mama Cate.

Awtomatiko naman akong tumayo at nag-curtsy kay Mama Cate. Yes, kailangan.

"Hello, Sarang! Kamusta ka na?" tanong ni Mama Cate. "Umupo na tayo."
"Okay naman po ako. Kayo po?" tugon ko at umupo na rin kami.
"Ito, sobrang bothered ako sa mga nangyayari pero may tiwala naman ako sa Nini ko at kay Kael." Nini nga pala ang tawag ni Mama Cate kay Papa Nathan kapag kami-kami lang ang magkakasama. Ang cute ng call sign nila!
"Ano na pong mangyayari, Mama?" tanong ko sa kanya at hinawakan lang ni Mama Cate ang kamay ko.
"May tiwala ka ba kay Kael?" tanong din niya.
"Opo. Alam ko pong malalagpasan din po namin ito." sabi ko.
"Ginagawa ni Kael ang lahat. Ngayon ko lang siya nakita na pursigido ng ganito para sa kasal niyo. Dati ay lagi niya kaming kinakausap na huwag kang pilitin na ikasal sa kanya pero nag-iba na ngayon. May nangyari ba sa inyo?" hala! Nagtatanong na si Mama Cate.
"Ano po kasi..." pag-aalinlangan kong ikwento.
"Alam kong first time natin na mag-uusap ng ganito pero gusto ko sanang makilala ka pa, Sarang." ang lambing ng pagkakasabi ni Mama Cate at napakatamis ng ngiti niya.

At dahil dun, ikinwento ko sa kanya ang lahat. Wala akong itinago sa kanya mula sa unang pagkikita namin ni Kael hanggang sa nagyari nung isang araw.

"That explains why ganun na lang pala siya kapursigido na makumbinsi ang council na unahin ang kasal niyo." sabi ni Mama Cate.
"Bakit po?" takang tanong ko.
"Kasi mahal ka ng anak ko." she confidently said it.
"Pero ang lamig niya po sa akin." sabi ko sa kanya.
"Kasi naguguluhan pa siya... Pero ngayon, sigurado na akong ipaglalaban ka na niya, Sarang." sabi niya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"Sana nga po... Kasi gusto kong iparamdam sa kanya na mahal ko siya. Gusto kong mayakap siya na walang takot na ma-reject niya. Gusto ko po na Makita na nakangiti siya. Na masaya siya kapag kasama ako. Parang kayo po ni Papa Nathan." sabi ko sa kanya.
"That is the beauty of loving someone silently even if it hurts. Selfless love. Yung handa kang mahalin siya kahit ang sakit-sakit na. Yung kaya mong ibigay ang lahat basta maging masaya siya kahit if it means taking away your own happiness. Always being behind his back. That is the beauty of love, anak." sabi ni Mama Cate.

My Prince Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon