~Sarang's
Hindi ko naman naisip na ganito ang mangyayari. Ang alam ko lang talaga ay magbabakasyon ako dito sa Isle Bellagio. Ako? Magiging prinsesa. Imposible.
Sinundan ko sila Queen Cate paakyat sa sinabi nilang library daw. Ginala ko ang mga mata ko. Oo. Palasyo nga ito. Kita mo ang mga adorno na kasing kintab ng ginto. Halata din na palaging nililinis ang lugar dahil wala kang makikitang dumi kahit saan. Nakasunod lang din ang mga Butler kasama na rin si Butler Lee na nagsundo sa akin.
Tumapat kami sa isang malaking pinto. Ito na ata ang library.
"Sarang, alam kong nakakabigla itong nangyari ngayon. Huwag kang mag-alala. Kasama mo naman kami at ang pamilya mo. Tutulungan ka namin." sabi ni Queen Cate sabay hawak sa kamay ko at dahan-dahan akong hinila papasok ng pinto.
"Announcing the arrival of the King and Queen of Isle Bellagio and Ms. Sarang Solstice Romero." anunsyo ng matandang babae na nasa may pintuan.
Dahan-dahan naman nawala ang ingay sa loob ng library at pumasok na kami. Unang dumako ang mata ko sa Lolo Marcial ko. Nandito nga si Lolo! Nakita ko siyang nakangiti sa akin. Ganun pa rin si Lolo. Palaging nakangiti.
"Lolo!" Hindi ko na napigilan. Tumakbo na ako papunta kay Lolo at yinakap siya. Matagal ko na siyang hindi nakasama.
"Ang aking napakagandang apo! Kumusta ka na?" bati niya rin sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.
"Lolo, na-miss po kita! Akala ko po niloloko lang po nila ako. Nandito ka nga." Kumalas na ako sa yakap at ngumiti sa kanya.
"Sorry apo ha. Sa ganitong sitwasyon pa tayo nagkita." Sabi niya na nagpabalik sa akin sa katotohanan.
"Ano po bang ginagawa natin dito? Bakit po sinasabi nilang magiging prinsesa ako. Hindi ko po maintidihan." sabi ko sa kanya.
"Dahil nagkaroon ako ng kasunduan sa matalik kong kaibigan na si King Michael. Nakasama ko siya sa military noon nung World War II. Nangako kami sa isa't isa na kapag buhay pa kami sa edad namin ngayon, ipapakasal namin ang aming mga apo." Pagpapaliwanag ni Lolo Marcial.
"Pero... Bakit po ako? Bakit ngayon pa?" Gulong-gulo kong tanong ko sa kanya.
"Dahil ito na ang taong napagkasunduan namin. Pagsapit ng ika-19 na edad ng kanyang apo ay ikakasal kayo dahil kailangang maging opisyal na I-anunsyo ang pagiging crown prince ng hari at reyna. At ang magiging opisyal lamang iyon kapag siya ay nakapag-asawa na." Pagpapaliwanag ni Lolo Marcial.
"Ganun ang nangyari sa akin. Ako nga pala ang apo ni Lolo Michael." Paglapit sa akin ni Queen Cate. "Pagsapit ko ng 19, nagpakasal na ako sa lalaking mahal ko. At dineklara na rin akong crown princess ng Isle Bellagio."
"Pero hindi po pwede ito. Marami pa po akong pangarap. Hindi pa po ako tapos ng pag-aaral..." Hindi ito maaari. Marami pa akong gustong gawin.
"Naiintidihan ka namin, Sarang. Hindi naman namin hahayaan na kalimutan mo ang mga pangarap mo. Tutulungan ka namin. Ipagpapatuloy mo pa rin naman ang pag-aaral mo sa Pilipinas." sabi ni King Nathan.
"Pero... Gusto ko pong ikasal sa taong mahal ko. Ayoko pong magpa-fix marriage!" Medyo napataas na ang boses ko kaya yumuko ako.
"Huwag kang mag-alala, Sarang. Alam kong hindi madali ito. Pero sana buksan mo ang puso mo para sa aking apo." Paglapit sa akin nang sa tingin ko ay ang kaibigan ni Lolo Marcial na si Lolo Michael.
"Apo, ipapakilala ko muna sila sayo ha." Paghawak sa kamay ko ni Lolo Marcial. "Kilala mo na ang hari at reyna. Si King Nathan at Queen Cate. Sila ang magulang ng mapapangasawa mo." Napakunot ang noo ko sa pagkakarinig ko ng salitang 'mapapangasawa'.
BINABASA MO ANG
My Prince Next Door
Romance[COMPLETE] Hindi sa lahat ng kwento, lalaki lang ang may issues. Hindi lang lalaki ang may nakaraan. Dahil sa nakaraan kong iyon, naging manhid ang puso ko. Hindi ko alam na dahan-dahan na pala itong naging bato. Pero nagbago ang lahat nung nakilala...