Chapter 17 - Wind

153 6 1
                                    

Wind
noun \ ˈwind , archaic or poetic ˈwīnd \

1 a : a natural movement of air of any velocity
2 a : a destructive force or influence b : a force or agency that carries along or influences
6 : something that is insubstantial (m-w.com)


~Sarang's

Ilang linggo na rin mula nung kasal namin ni Kael. Naging okay naman ang mga nangyari. Lagi na akong kasama ni Mama Cate sa mga charity events. May ilang lessons pa ako na kailangan tapusin pero positive naman kami ng teacher ko na matatapos ko ito ng mas maaga. Si Kael naman at laging kasama nila Papa Nathan at Ninong Vince. Kinuha namin silang godparents ni Ms. Trina sa kasal namin. Dahan-dahan na tinetrain nila si Kael.

Na-move din na naman ang honeymoon namin. Okay lang naman sa amin ni Kael yun dahil malapit na rin magsimula ang klase namin. Napagdesisyunan na tatapusin ko pa rin ang aking degree sa Pilipinas habang si Kael naman ay tatapusin dito ang degree niya. Babalik-balik na lang ako rito ng at least once a month to fulfill my duties.

"Kamusta naman sila Elisha?" tanong ni Kael habang nakaupo siya sa kama, nagtutuyo ng buhok.
"Okay naman sila Elisha. Naihatid ko sila sa airport kanina tapos nagtext na rin siya na nakarating na sila sa Pilipinas." sabi ko habang nagbabasa ng libro.
"Nagrereview ka pa rin? Pahinga ka na, my winter." sabi niya at tumabi na sa akin.
"May exam ako bago umuwi ng Pilipinas." maikling sagot ko.
"Winter..." bulong sa akin ni Kael.
"Summer..." tiningnan ko lang siya na naniningkit.
"Haiii... Okay. Sige na nga. Good night na." Kiniss niya ako sa cheeks at humiga na at tumalikod sa akin.

Lambing. Kailangan ng lambing ng asawa ko. Asawa ko.

"I love you, my summer." niyakap ko na siya.
Humarap na siya sa akin. "I love you too, my winter."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagbebreakfast na kami ni Kael ng biglang pumasok si Butler Choi. Siya na ang personal butler ko at siya na rin ang isa magbabantay sa akin sa Pilipinas bukod kay Lady Mary, ang aking personal teacher and guide.

"Princess Sarang, ipapaalala ko lang po na mamaya na po ang exam niyo." sabi niya.
"Kung ganoon, spend the whole morning reviewing muna. Please cancel all her appointments this morning, Butler Choi." sabi ni Kael.
"Sige po, Prince Kael." sabi ni Butler Choi at umalis na.
"Thank you, my summer. I needed that." nakangiti kong sabi sa kanya.
"I know that exam. Mahirap talaga yun. Good luck sa'yo mamaya, my winter." sabi niya while holding my hand.
"Thank you, my summer." sagot ko.
"Prince Kael, hinihintay na po kayo ni King Nathan sa main palace." sabi ni Butler Lee.
"Ngayon na ba yun?" tanong ko.
"Yes. Babalik din ako kaagad. Don't worry pagbalik ko, magcecelebrate tayo for your exam." sabi niya at tumayo na.
"Hihintayin kita." sabi ko sa kanya at hinatid na siya sa may pintuan.

Nilalagay na nila Bulter Choi ang mga bagahe ni Kael. Papunta kasi sila ni Papa Nathan sa Russia para sa state visit.

"I love you, my summer." sabi ko sa kanya habang hawak namin ang mga kamay ng isa't isa.
"I love you, my winter. Wait for me." sabi niya sabay halik sa labi ko.

It was a quick kiss but after our lips parted, I missed him already.

Kumaway lang ako sa sasakyan na paalis na. Limang araw kong hindi makikita si Kael. Kailangan maging maayos ang exam ko para pagbalik niya, masaya ang magiging celebration namin.

My Prince Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon