Distance
noun \ ˈdis-tən(t)s \1 separation in time
2 the quality or state of being (m-w.com)~Sarang's
Nagising na lang ako sa isang pamilyar na kwarto. Ito ang kwarto ko sa East Palace. Ang kwarto ko bago pa kami ikasal ni Kael.
"Princess?" tanong ng isang babae. Tumakbo siya palabas at parang may tinawag.
I am trying to remember what happened a while ago. Minamasahe ko ang sentido ko while trying to remember what happened. I brought lunch kay Kael... The planner...
The photo. Paula.
"Sarang?!" takbo ni Kael papunta sa kama kasama ang isa pang lalake.
"Let me check her vitals." sabi nung matandang lalaki. Doktor ata siya dahil chineck niya ang blood pressure ko at iba pa.
"Okay naman na ang vitals ng prinsesa. She fainted because of dehydration and stress. Just let her rest for tonight. We gave her an IV, so you don't need to worry. I left my prescription with Lady Mary." sabi ng doctor. Tiningnan ko naman ang kanang kamay ko at meron nga itong nakasaksak na karayom.
"Doc, I can go to the welcome party tomorrow, right?" tanong ko.
"No! Hindi ka pupunta sa welcome party tomorrow. You need to rest." protesta ni Kael.
"I can, doc. Right?" pagpipilit ko.
"Well... If she rests well tonight, she can attend the party. Hindi naman ganun ka-grabe ang nangyari but she needs to be extra careful and needs to drink a lot of water." sabi naman ng doktor.
"Good. Thank you so much." sabi ko at pinilit ngumiti.
"If you'll excuse me." Umalis na ang doktor at naiwan kami nila Kael sa loob.Sinubukan ko naman umupo at madali naman akong inalalayan ni Kael. I felt a pang in my heart. His touch reminded me of the picture that I saw in his planner.
"Lalabas po muna ako." sabi ni Lady Mary.
"My winter, magpahinga ka muna." sabi ni Kael at inayos ang unan ko.
"The food tasting. Kailangan kong pumunta dun." tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.
"Hindi na kailangan. Paula already did it." Sabi ni Kael. Paula.Natahimik na lang ako at hindi na nagpumilit medyo nahihilo pa rin ako. Tiningnan ko ang oras at 8:30pm na pala.
"Gabi na pala." tipid kong sabi.
"Yeah and I immediately went here after my meetings. Hindi rin nasabi agad ni Paula sa akin." pag-eexplain niya. Paula na naman.
"Hindi niya ---" I was cut-off when someone entered my room.
"Sarang!" nagmadali naman siyang lumapit.
"Liam? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"You can't remember?" nagtataka niyang tanong.
"Ang alin?" tanong ko ulit.
"Ako ang nagsugod sa'yo sa clinic at naglipat sa'yo dito sa East Palace." sabi niya.Oo nga pala. Wala si Kael nung nawalan ako ng malay. Busy siya nun at late na niya nalaman ang nangyari sa akin.
"Thank you, Liam. You saved me." sabi ko at ngumiti.
I saw how Kael's body tensed when he heard what I said. Liam was the one who helped me and I need to thank him.
"Wala yun. Ano ba kasing nangyari sa'yo at na-dehydrate ka? Stressed ka? Ano bang nangyayari sa'yo?" sunod-sunod niyang tanong.
"Paano mo nalaman?" natatawa kong tanong.
"Siyempre. Ako yung nakausap nung doktor kanina. Binili ko na rin yung una niyang pinabili na gamot kaya ngayon mo lang ako nakita." sabi niya.
"Napagod lang siguro kasi alam mo naman na galling Pilipinas ay wala akong pahinga. Hayaan mo, sabi naman nung doktor kailangan ko lang magpahinga para bukas." pag-explain ko naman.
"No need. I already talked with Queen Cate and she allowed me to help Kael tomorrow for the state visit." pagpipilit pa niya.
"Ano? No! This is my first event. I have to be there. Narinig mo naman ang doktor." Medyo napataas na ang boses ko kaya napahawak ako sa ulo ko.
"Sarang!" saway ni Kael.
"Ano? Ipipilit mo pa?" sarcastic na sabi ni Liam.
"Oo na. Oo na. I surrender na sa'yo, Liam." natatawa kong sabi.
BINABASA MO ANG
My Prince Next Door
Romance[COMPLETE] Hindi sa lahat ng kwento, lalaki lang ang may issues. Hindi lang lalaki ang may nakaraan. Dahil sa nakaraan kong iyon, naging manhid ang puso ko. Hindi ko alam na dahan-dahan na pala itong naging bato. Pero nagbago ang lahat nung nakilala...