Last Chapter - New Beginnings

186 6 0
                                    

~Sarang's

Nagising ako sa sinag ng araw. Hindi pa rin ma-digest ng puso't isipan ko ang mga nangyari kagabi. Kael and I, made up.

Napalingon ako sa tabi ko. I love waking up beside him. Pilit kong kinakabisado ang mukha niya. Hinaplos ko ang pisngi niya. Ang gwapo talaga ng asawa ko.

Asawa ko. Hindi ko pa pala nasabi sa kanya.

"Good morning. I love you." he said in a hoarse voice.
"Good morning. I love you more." I giggled.

Tumalikod na ako sa kanya para may kunin sa bag ko. Pinakatago-tago ko ito. Kinuha ko ang velvet box at kinuha ang laman nito.

Nagtaka naman si Kael at umupo sa tabi ko.

"What is that?" tanong niya.

Humarap ako sa kanya at ngumiting pinakita ang nasa palad ko. Ang aming wedding rings.

"You kept it?" takang tanong niya.
"Yeah. Binigay sa akin ni Mama Cate yung sa'yo nung tinanggal mo 'to pagkabigay mo ng divorce papers. And I kept it since then." sabi ko sa kanya.
"Thank you. I'll marry you again. Right now. Here in Bali." sabi niya.

Tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya. Excited na excited siya hindi ko pa nga nasasabi sa kanya.

"Alam mo ba kung anong nangyari sa divorce papers natin?" tanong ko sa kanya.
"We are officially divorced. Right?" tanong niya.
"No. Mama Cate didn't approve it. Kung natuloy yun ay hindi na kami makakabalik sa Isle Bellagio without your approval." sabi ko sa kanya.
"So... Nakabalik ka na ng Isle Bellagio? Asawa pa rin kita? Tinago niyo sa akin?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.
"Sana huwag kang magalit sa amin. Tinago namin sa'yo yun para sa ating dalawa. Para ako, makapagfocus ako sa pagtratrabaho habang ikaw naman bilang hari ng Isle Bellagio." sabi ko sa kanya.

Hindi na siya nagsalita at lumabas ng suite. Bumagsak naman ang aking mga balikat sa nangyari. Galit kaya sa akin? Sana naman hindi masyado. Marami pa akong kwento sa kanya. Marami pa akong sasabihin sa kanya. Si Tavi.

Naligo lang ako at tinawagan naman si Tavi sandali. Binisita daw siya ng Daddylolo niya at excited na siya pag-uwi ko bukas ng umaga. Nagbilin pa nga siya ng pasalubong. Siguro yun nga ang gagawin ko ngayong araw. Sana makasama ko si Kael ngayong araw.

Lumabas na ako sa suite at nakita ang housekeeping na nililinis ang kwarto niya. Sumilip naman ako at nakitang wala nang mga gamit.

"Excuse me. Where is the guest in this suite?" tanong ko sa isang lalake. 
"The guest here already checked out, Ma'am."
sabi naman niya.

Lakad takbo akong bumaba sa lobby. Hindi pwede ito. Mag-uusap pa kami.

Tumakbo ako sa front desk at tinanong kung nasan siya.

"Ma'am, his service just left. He might still be outside." sabi naman niya.

Tarantang tumakbo ako palabas at nakita ang isang van na palabas sa vicinity ng resort.

"Kael!!!" paulit-ulit kong sigaw habang hinahabol ang van.

Hanggang sa hindi ko na kaya. Tuloy-tuloy lang ang takbo ng van. No! Kael!

Umiyak lang ako sa gitna ng daan habang tinitingnan ang van papalayo. Sobrang galit ba siya sa akin para iwan ako.

"Kael!!!" sigaw ko ulit hanggang napaluhod ako.

Walang tigil ako sa pag-iyak hanggang sa may bumusina sa likod ko. Tumigil naman ito bago ako bungguin.

"Sarang?!" tawag sa akin at lumapit siya para alalayan akong tumayo.
"Kael!" yinakap ko naman siya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
"Akala ko... Akala ko... Akala ko iniwan mo na ako. Sabi kasi nila nag-check out ka na. Tapos sabi sa front desk, umalis ka na... Don't leave me." humihikbi kong sabi.
"Hush, my winter. I'm here..." sabi niya at inalo ako.
"You'll never leave me, right?" tanong ko.
"Silly! I just went out to buy some stuff." natatawa niyang sabi.
"But bakit ka nag-check-out?" tanong ko naman.
"Because I though I could stay in your suite." sabi niya sabay punas ng luha ko.
"Hindi mo ako iiwan? Hindi ka galit?" tanong ko ulit.
"Hindi. Na-explain na ni Mama Cate sa akin. Siya ang una kong tinawagan kanina and she explained everything to me. I'm sorry, my winter. Hindi kita napagtanggol kay Paula. Don't worry. Wala na siya." sabi niya at mas lalo akong yinakap.
"Thank you, my summer." sabi ko sa kanya.

My Prince Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon