Chapter 25 - Dive

122 5 1
                                    

~Sarang's

Nanatili ako sa ospital ng isa pang araw. Nag-aalala naman na nagpunta sila Lolo Marcial at si Dad. I assured them that I am okay and they need not to worry about me.

Gustong gusto kong sabihin sa kanila na magkaka-apo na sila pero hindi muna ngayon. Kailangan ko munang makakawala sa hawlang ito.

I was happy adjusting to the lifestyle of being a princess. Naeenjoy ko na ang ginagawa ko sa loob ng palasyo pero it all ends here. Hindi na kaya ng puso ko na manatili dito.

Lalo na kung ang rason kung bakit ako nandito ay hindi naman ipinaparamdam kung totoo niya nga akong mahal.

Kael never came back. I was asking Elisha kung may balita ba from Terrence pero hindi niya sinasabi. Kahit sila Lady Mary kapag tinatanong ko ay isang iling lang ang isasagot nila sa akin.

I asked Mama Cate nung bumisita sila rito ay kung pwede bang sa bahay muna ako ni Lolo Marcial umuwi. I wanted to recover there. Hindi pa ako handa bumalik sa palasyo. Pumayag naman sila at hinayaan lang ako. Bumalik na lang daw ako kapag okay na ako. Nagpasalamat ako sa kanila dahil pilit nila akong iniintindi.

"Okay lang na kay Lolo Marcial ka muna. I am sorry, Sarang, sa ginawa ng anak ko. I had a feeling na may mali pero I still trusted him. I am sorry." Sabi ni Mama Cate nung bumisita siya sa ospital bago ako lumabas.
"Wala po kayong dapat ihingi ng tawad, Mama Cate. Sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo dahil naiintindihan niyo po ako." Tugon ko.
"Anak, you can stay kay Lolo Marcial hanggang kailan mo gusto. Maiintindihan namin. Take it as your time to heal... To forgive." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.
"Yes, Mama. Thank you po." Sagot ko.

To heal and to forgive.

Pagdating namin sa bahay ni Lolo Marcial ay dumeretso naman ako sa aking kwarto. Ito yung dati kong kwarto nung nakatira pa kami dito sa Isle Bellagio. Nasa gilid ng kwarto ang isang crib and I think that was my crib before.

"Anak..." Tawag ni Dad bago siya pumasok.
"Pasok po." Sagot ko.

Pumasok naman si Dad na may dalang pagkain.

"Alam kong gutom ka na. Ito na ang lunch mo." Sabi ni Dad at nilapag na ang pagkain sa bedside table.
"Thank you, Dad. I'll eat it later." Sagot ko at muling itinuon ang atensyon sa crib.
"That was your crib." Natatawa niyang sabi habang papalapit sa kinaroroonan ko.
"Ang ganda po." Mangha kong sabi.
"Your Mom made that. She likes doing things herself. Nung una nga, ayaw ko siyang gawin yan dahil mahirap at buntis pa siya sayo pero nagpumilit siya." Kwento ni Dad.
"Pero tingnan mo naman, Dad. Matibay pa rin siya at parang hindi napaglipasan ng taon." Sabi ko sa kanya.
"It's because a mother's love is one of the greatest loves that ever existed. Sa bawat pako at kahoy na nasa crib na ito ay tanda ng pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. At ikaw yun, Sarang. Your mother loved you so much." Naiiyak na sabi ni Dad.
"I love you, Dad." Sabi ko at yinakap si Dad.
"Mahal din kita and I cannot afford losing you or getting you hurt." Sabi naman ni Dad.

Kumain lang ako habang nagkekwentuhan kami ni Dad. Pinapagaan niya ang loob ko dahil sa nangyari sa amin ni Kael. Alam na niya ang nangyari. Gusto na nga daw niyang bugbugin si Kael pero pinigilan ko siya. Sabi ko ay makasalanan din ako dahil naabutan niya kami ni Liam sa ganung sitwasyon kahit wala naman talagang kami.

My Prince Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon