Chapter 8 - Te Amo

189 9 0
                                    

~Sarang's

Hindi ko alam kung anong mayroon kay Kael at na-confirm na niya ang attendance ni Mrs. Katrina Gail Lee para sa gala night ng aming adaptation. At least, may nakuha kaming cast. Naisalba pa ni Kael si Mo kay Sir Rudolf kaya nilibre kaming lahat ni Mo sa Ice cream parlor.

"Grabe ka, Kael! Paano mo napapayag si Mrs. Lee? Di ba ang hectic ng sched niya?" Tanong ni Mo sa kanya.
"Connections, Mo." Simpleng sagot ni Kael.
"Ay! Connections that we don't have." Pang-aasar ni Juliet.
"Loko talaga kayo. Siyempre medyo kinapalan ko na mukha ko. Mahirap din naman siyang mapapayag... pero part din naman ako nitong play kaya gusto ko din maging maganda ang kalalabasan nito." Sabi ni Kael.
"Eh kaya naman pala maraming nagkakagusto sayo, Kael. Kabait mong tao eh!" sabi ni Juliet.
"Eh kaya naman pala, may na-in-love sayo..." sabi ni Elisha.

Tiningnan ko lang si Elisha pero tiningnan din nila akong lahat.

Uh oh. Nasa akin na ang spotlight.

"Laro tayo ng fast talk. In 1 minute, pipili lang ng sagot sa choices. Dapat mabilis sumagot. No follow up questions." Pagyayaya ni Esther.
"Game ako diyan." Sabi ni Mo.

At nag-agree naman silang lahat.

"Sige. Start tayo kay... Sarang!" Sabi ni Esther.
"Bakit ako?" Tanong ko.
"Ikaw lang in-love dito. Game na!" Sabi ni Juliet.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan.

"1 minute starts now." Anunsyo ni Elisha.
"Sweet or spicy?" Tanong ni Mo.
"Sweet." Mabilis kong sagot.
"Madilim o maliwanag?"
"Madilim." Napatawa sila sa sagot ko.
"Theatre or Music?"
"Theatre."
"Mahal mo o mahal ka?"
Napaisip ako. "Mahal ko."
"Last 10 seconds." Sabi ni Elisha.
"Justin or Kael?" Tanong ni Mo.

Ha. Anong isasagot ko.

"5..." simula na ng countdown ni Elisha. Consequence to kapag hindi ko nasagot.
"Uhmmm..."
"4..." sabay sabay na silang nagbilang. Si Kael tahimik lang sa tabi ko habang naghihintay ng sagot. "3... 2..."
"KAEL!" sagot ko.

Napahiyaw ang mga kaibigan ko. Tiningnan ko si Kael at namumula ang pisngi niya. HE IS BLUSHING! Haha. Ang cute niya.

"Ay grabe sila! Ang pula oh! Parang kamatis!" Sabi ni Esther.
"At dahil dyan, ikaw naman Kael!!!" Sabi ni Elisha.
"Ready ka na?" Tanong nila sa kanya at tumango na lang siya.
"Ako naman magtatanong ngayon." Sabi ni Juliet na may halong ngiting nakakatakot este nakakaloka.

Huminga lang siya ng malalim.

"Vanilla or Chocolate?"
"Vanilla."
"Motor or car?"
"Car."
"Hot or cold?"
"Hot?"
"Fast or slow?"
"Slow."
"Last 30 seconds." Sabi ni Elisha.
"Pink or Red?"
"I like when Sarang uses her pink lipstick so I'll choose pink."
"Last 10 seconds." Sabi ni Elisha.
"Yes or No. Mahal mo ba si Sarang Solstice Romero?" Oh em! Juliet! Ano ba yan.
"Last 5 seconds." -Elisha
"Yes!" And it ended when everyone was shouting.

Hindi ko alam pero parang mas mapula pa ako sa kamatis. He just confessed in front of my friends. Grabe. Hindi ko alam kung paano o ano ang gagawin ko. Basta ang alam ko. Siomai. Kinikilig ako.

My Prince Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon