Maria Adelaida's POV
"Ano 'yan?"
Huminto ako saglit sa pag-galaw nang tumabi sa akin si Cesa. Mayroong chocolate drink na naka-salampak ngayon sa bunganga niya, tapos may cheese roll na galing Mary Grace pa sa isang kamay. Tinignan ko siya at ibinaba ang ginagawa ko.
"Four leaf clover," sagot ko sa tanong niya.
"Bakit? Minamalas ka na ba? Boom, bading, deserve," tinawanan niya ako. Nakakaasar pa 'yong tawa niya! 'Di nakakatulong, ampucha!
Mas nabwisit pa ata ako! At lalong pakiramdam ko malas nga ako dahil binigyan niya ako ng ganitong klaseng pinsan! Walang kwenta kausap, mabuti pa ako ay kahit papano may kwenta pa naman.
Pero feeling ko anytime wala na. Syempre, kapag walang kwentang kausap ang isa, gano'n din ang lahat. It runs in the blood, yuh?
Sinamaan ko siya ng tingin at napagpasyahang ituloy na lang ang ginagawa ko. Hay! Wala kasi akong maisip na kahit ano para ibigay doon sa Propesora na galit na galit ata sa 'kin! Galit nga ata siya, hindi lang doon sa estudyante pati na rin sa akin. Totoo namang mali talaga 'yong ginawa ko, lalo na't walang pahintulot iyon. Pero kasalanan ko ba?! Hindi naman kasi ako aware, e! Pero, kahit hindi ako aware, alam kong nagkamali ako, kaya kailangan kong humingi ng tawad.
Nga lang ay wala akong maisip na maibibigay sa kaniya. I could give her foods but I don't know which. Medyo alanganin din ang pagkain kasi baka may allergy pala siya, e 'di konsensya ko pa. Ito na lang! Feeling ko kasi lahat na meron siya, e... kaya hindi ko alam kung anong bibilhin para sana mag-sorry.
Tsaka, kesa bumili, gagawa na lang ako. Para tipid, 'di ba? Naisipan kong four leaf clover na lang. Masyado kasing common kung 'yung mga flowers or teddy bears lang ang bibigay ko sa kaniya. Mas mabuti pa 'yung four leaf clover, at least 'di ba, may luck siya.
Hah! Ang talino ko roon. Sinong tatanggi sa luck? Wala. Sure ako hindi niya 'to matatanggihan. Pinagbubuti ko na nga ang pag-gawa!
"Wala ka bang magawa sa buhay at ako pinagtitripan mo rito, ha?" asar kong sabi sa kaniya. "Samahan mo si Rina roon, naglalagay na naman ng anek-anek sa mukha niya."
"Make-up?" pagtatama niya sa sinabi ko.
"Basta anek-anek." sagot ko lang na siyang tinawanan niya. Maya-maya ay tumahimik siya. Akala ko matatahimik na rin 'yong buhay ko pero hindi pala dahil bigla na naman siyang nag-salita habang pinapanood ako sa ginagawa ko.
"Tawag ka ni Tita sa taas. Kausap ata Mama mo sa call," biglang sabi niya kaya naman napatigil ako ulit sa ginagawa ko. Tinignan ko siya at kinunotan ng noo. "Ano? 'Wag mo 'ko tignan nang masama, gagi. Nakita ko lang naman na magkausap sila tapos pinatawag ka sa 'kin."
"Ayoko nga," sambit ko. "Saka na ako aakyat kapag 'di niya na kausap sa call 'yong nanay ko." umirap ako nang patago. "Ayos din, e. Kayang tumawag kay Tita, pero sa anak, hindi? Wow. So cool."
Natawa naman siya. "Omsim, sah. So cool." Binitawan niya 'yong mga pagkain na dala-dala niya at saka pasalampak na umupo sa sofa. Tinignan niya ulit ako pero hindi ko siya tinignan pabalik. Matatapos na rin 'tong ginagawa ko! For sure maibibigay ko na 'to bukas.
Ayan na naman ang pananahimik ni Cesa. Mas sanay akong maingay 'to kaya nakakapanibago na ang tahimik niya lang habang nanonood sa 'kin.
"Anong iniisip mo?" I asked, cutting the silence off. Kapag ganitong tahimik siya at nakatingin lang sa kung saan, may iniisip 'yan.
"Hmm, wala naman," she answered, taking a deep breath. "Hindi ko kasi masikmura na ano e."
"Ano?" kinunotan ko siya ng noo. Ang hilig mambitin talaga!
BINABASA MO ANG
Behind Her Shadow
RomansaGxG | ProfxStudent | Estrella University Series #2 Maria Adelaida, the flower crocheter of the Montecer cousins, has unexpectedly decided to roam around the village for fun, only to end up seeing the 'perfect daughter' of the Mendoza Clan, Scarlet A...