Chapter 07

705 44 17
                                        

Maria Adelaida's POV

Sumakay ako sa jeepney, ikaw ang nakatabi...

"Oh my God, nobody in my whole existence has ever insisted on letting me ride in a jeepney..." Miss Amaranth dramatically gasped as the jeepney started to move.

'Di makapaniwala, parang may hiwagang nadama nang tumama sa'yo ang aking mga mata, ha...

She was so stiffed as the jeepney moved. Nakita ko kung paano niya hinawakan nang mahigpit ang bag niya. She was clutching her bag so tight as if her life depended on it. Kulang na lang ay humawak siya maski sa laylayan ng damit ko sa sobrang kaba niya.

Kinakabahan siya, ramdam ko. Syempre, sino ba namang hindi? It was her first time riding a jeepney. Probably, as someone who grew up having a car served right in front of her, she was scared of what could or might happen to her. This is a public transport, so I definitely understand where she's coming from.

Totoo naman ang sinabi niya. Dahil nga public ito, hindi maiiwasan 'yong sinasabi niyang snatchers, nakawan, o kung ano pa. Pero dahil ako ang nag-dala sa kaniya sa sitwasyong 'to, 'di ako papayag, 'no!

I can't let that happen! Not when Miss Amaranth entrusted me her safety!

Without thinking, I held her hand, "Miss Amaranth, relax ka lang! Nasa tabi mo naman ako. You can lean back and wait until the jeepney stops at our destination."

Napatingin siya sa kamay kong ngayon ay nakapatong sa kamay niya. Seconds later, I saw how her shoulders relaxed. It wasn't stiffed as it is earlier now. Mukhang kumalma na siya, pero hawak niya pa rin ang hawakan ng bag niya.

Lihim akong napangiti roon at pinagmasdan lang siyang tumingin sa labas. Dahil hindi naman nakatali ang buhok niya, hinahangin ito. Her hair was dancing along the wind. Ang kaibahan nga lang, 'yong paraan ng pag-sayaw ng buhok niya ay hindi nakakainis.

'Yong iba kasi binabalandra pa 'yong buhok nila tapos napupunta sa mukha ko. Pero 'yong kaniya talaga ay iba, na para bang nakiki-ayon ito.

It's funny how her hair knows its place very well. It's dancing freely without disturbing the other passengers.

The jeepney stops everytime the driver sights a few passengers waiting for his vehicle to arrive. Nakikita ko kung paanong namamangha si Miss Amaranth, ni hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya ngayon! Bahagya siyang naka-talikod sa akin at haharap lang sa tuwing may sasakay na bagong pasahero.

Habang padami nang padami ang pasahero, lalo kaming nagkaka-dikit sa isa't isa. Ngayon ay naka-harap na siya kung umupo, literal na magkatabi na kami ngayon. Mula sa harap, bahagya akong tumalikod para makuha ang bag ko. Kinuha ko ang sweater ni Rina na pinatabi niya sa akin kanina.

Sinara ko ang bag ko bago ko kinalabit si Miss Amaranth. Mukha siyang maamong tao nang tignan niya ako. "Ilalagay ko 'to sa lap mo, okay lang ba?"

Mukha siyang naguluhan sa sinabi ko, bahagya pang tumagilid ang ulo.

"You're wearing a dress kasi, tapos sumisikip na rito, kaya ilalagay ko muna 'to sa'yo, ha?" ngumiti ako nang maliit nang dahan-dahan siyang tumango. Agad ko namang nilagay sa binti niya 'yong sweater, inayos ko pa para hindi awkward ang placement.

Mabuti na 'yong nag-iingat. Marami pa namang gago ngayon, maski naka-pantalon ay hindi nga pinalalagpas, ang propesora pa kaya na naka-bestida?

Hindi masyadong nagsasalita si Miss Amaranth gawa ng mask na suot niya. Gaya kasi ng sabi ko kanina, binilhan ko nga siya ng face mask. Aba, kita mo, mata na lang ang nakikita, pero ang amo kung tignan?

I swear! Iba ang aura niya kanina sa University at ngayon! Sa university kasi, kung mata lang ang titignan mo kay Miss, syempre nakakamatay 'yon, pero ngayon, sobrang lambot ng tingin!

Behind Her ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon