Chapter 22

388 30 5
                                        

Maria Adelaida's POV

It's been weeks ever since nag-start ang second semester. So far, okay naman. Wala namang masyadong bagong professor ngayon, at halos sa lahat ng subject ay kaklase ko sina KC, Ash, at Rae.

Days has been going too fast, hindi ko na namamalayang mas nagiging malapit na sa akin ang tatlong magkakaibigan na iyon. It started when KC finally got her order from me, at ayun, mas nagkaroon kami ng interaction sa isa't isa.

Hindi kagaya noon na naguusap lang kami kapag nagkakasalisi. Ngayon ay mas napapadalas iyon dahil nga magkaklase kami buong sem, hindi kagaya last sem na may iba't ibang extra subjects kaming tinetake.

Matapos ang gabing iyon na pinuntahan ko si Miss Amaranth, marami ang nagbago. Gaya nga ng sabi ni Tita, kinaumagahan noon ay hindi ko na ulit nakita pa si Mama sa bahay. Mukhang tinotoo nga niya ang sinabi ni Tita, na siyang ikinagaan naman ng pakiramdam ko dahil hindi ko naman ikakaila na hindi ako masayang kasama siya sa mga nagdaan na buwan.

Pangalawa ang mas madalas na pakikipagusap na sa akin ni Miss Amaranth.

It made my heart happy, hindi dahil crush ko siya at masaya ang puso ko dahil napapansin niya ako, pero dahil alam kong mas nagiging open na siya sa ibang tao... o sa akin kahit kaunti.

Hindi na lang siya tumatango-tango sa akin sa kada tanong ko, o kaya ay hahalukipkip kapag bored siya. Over the months, masasabi kong talagang nag-improve siya, at ikinatutuwa ko iyon.

The greatest thing I wanted to witness is for her to show her vulnerable side. Ayokong kinikimkim niya lang sa sarili niya. Kagaya na lang noong sinasabi niya... na hindi niya raw kilala ang sarili niya dahil nakadepende sa tao kung paano siya dapat kikilos.

Living shouldn't feel forced. Hindi dapat tayo napipilitan sa isang bagay para masabing perpekto tayong tao.

There was a line from her that dawned me to the core. Nang sabihin niya sa akin iyon ay literal na nasa isip ko iyon buong gabi.

"Sure," she chuckled, hurt visible in her voice. "Maybe I'm really fixated with their own perception of me that I've forgotten how it is to see myself, but, Adelaida... I won't be Scarlet Amaranth Lovelle if I wasn't perfect."

My heart cracked when I heard that. She wasn't just merely hurting... she's a woman living in validation.

"Amaranth," I echoed. "Amaranth is perfect, yes... but how about Elle?"

Her mouth parted, her eyes stayed in contact with mine.

"Paano naman si Elle?"

"Elle is... Elle," she shrugged like the word meant nothing at all. "I can't even be Elle. Amaranth is always needed. Amaranth always had to be perfect. Amaranth always had to be strong."

"And you are, Miss Amaranth. Malakas ka."

"I am not..." her voice cracked. "I was only strong because the world forced me to be one."

I had always wondered what was running inside her pretty head, wondering what was she thinking... o kung ano-ano ba 'yung mga tumatakbo sa isip niya at parati siyang may sagot, pero nung mga panahon na 'yon... when she told me a part of her no one else knew, all I wanted was to keep her in my arms and erase all her thoughts.

Kasi... nakaya niya lahat ng iyon? Nang hindi sinasabi sa iba?

That time... all I wanted to do was for her to be selfish. Na kahit isang beses, piliin niya naman ang sarili niya. Na kahit isang beses lang, hayaan niya ang sarili niyang maging mahina.

Behind Her ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon