Chapter 20

531 30 9
                                        

Maria Adelaida's POV

Tangina. Tangina.

Tangina talaga!

Ang landi, Maria Adelaida?! Ganiyan ka ba pinalaki ng Tita mo?!

Nasaan ang delikadeza?!

"J-Joke..." tumikhim ako sabay umiwas ng tingin sa kaniya at naghanap ng pagbabalingan ng tingin. "Haha, ano 'to, upuan?"

Aksidente akong napatingin sa kaniya at ganoon na lang ang pagpikit ko nang mariin nang makitang masama ang tingin niya sa akin. Napakagat ako sa hinlalaki ko sa kaba. Kinabahan ako bigla! Hindi ko kasi ala kung bakit masama ang tingin niya sa akin!

Dahil ba sa sinabi kong siya ang pinakamaganda sa lahat ng pangit na nangyari sa akin o dahil sa upuan?!

"How dare you speak of my beauty and take it back after... that's offensive, Montecer." I gasped at that, not expecting those words to come out of her mouth.

Pero mas nakakagulat 'yong kanina lang ay masama ang tingin niya, tapos ngayon... hindi na.

Hindi na rin pagalit ang tono niya sa akin, hindi katulad noong mga nagdaang araw.

She looked like she just made peace with Earth today.

"Nakakagulat ka ngayong araw, Ma'am." I can't help but to say that. Halos mapailing ako dahil hindi ako makapaniwala.

Nangunot naman ang noo niya, halata ang kuryoso sa mukha niya kaya natawa ako sa kaniya.

"Sorry. I didn't mean it in any negative way possible. Nakakagulat dahil... nitong mga nakaraang araw ay para tayong aso at pusa, tapos ngayon, you're here... in front of me... and you're calm."

Parang gusto niyang makipagtalo bigla sa sinabi ko sa dulo. "I am always calm!" Aniya, ang kilay niya ay tumataas na naman.

Sa naging tugon niyang iyon ay tila hindi ko malaman kung ano ang isasagot. Napatingin lang ako lalo sa kaniya, at imbes na manahimik o sumurrender sa kaniya like I always do...

I end up admiring her beauty again.

"Ang ganda mo, Miss Amaranth."

The words just slipped out of my mouth like a routine. Like it knew exactly what words to say. And as a response, her lips twitched, like she was trying to hide her shock and her impending small smile.

Gosh... she was the same person I met four months ago. The same person who looked genuinely confused noong nangaroling ako sa bahay nila kahit pa Agosto pa lang. She's the same person who made me feel what it feels like na manuyo ng propesora because apparently, I disrupted her class and made her feel disrespected.

The same exact person... yet amidst all that, I liked her still.

Four months... pero paanong ngayon ko lang naappreciate nang malala ang gandang meron siya?

If I were given the chance, I would definitely lend her my eyes so she could see how beautiful she is in my point of view.

She looked like she didn't expect me to say those words directly to her. I saw how her foot took a small step, like she was regaining her composure again.

She cleared her throat, but I couldn't do the same, kasi base sa obserbasyon ko, kapag ang tao biglang kini-clear ang lalamunan, ibig sabihin, they feel awkward or unsure, or they wanted to take back something.

Behind Her ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon