Chapter 17

614 31 22
                                        

Maria Adelaida's POV

The Undas Break ended, midterms happened, and all I could say was fina-fucking-lly! Natapos na nga ang kalbaryo ng buhay ko kahit papaano dahil ang finals ay pagbalik pa namin sa January!

Kaya ang pinagkakaabalahan ko na lang ngayon ay ang task ko bilang scholar. Malapit nang mag-Disyembre, halos ilang araw na lang din naman, kaya lang, sa 23 pa ang tapos ng klase namin bago ang Christmas Break, kung kaya't nabawasan ang saya na nararamdaman ko.

Halos isang buwan lang kasi kung bibilangin ang pagitan ng midterms at finals namin. Ewan ko ba, balak atang sirain ang buhay ko.

Tapos, napagalaman ko pang walang sembreak matapos ang first sem! Hindi ko rin talaga alam kung bakit. May pagkakataon na maraming araw ang sembreak, pero minsan din talaga, madamot ang EU sa ganoon.

Well, siguro meron naman—'yong long weekend bago ang second sem, 'yon na siguro 'yon, medyo inextend nila ng ilang araw bago magpasukan ulit, kaya swerte pa siguro kami.

Swerte na malas siguro.

"Baks, tapos na Undas pero ba't 'yong mukha mo mukhang pinagalayan ka ng kandila?" natatawang ani ni Hanna habang nandito kaming dalawa sa science lab, tinitignan-tignan pa ng gaga 'yong iilang paraphernalia rito na nasa gilid niya lang halos.

Lalo akong napasimangot sa sinabi niyang iyon. Hindi naman sana ako badtrip ngayon, e! Kaso lang, kanina, nakita ko 'yong hiniram na gitara ni Zhen sa kaibigan niyo, tapos ibabalik na niya. Ang sabi ko pa naman sa kaniya noon na kapag nakahiram na ulit siya ng gitara ay turuan na niya ako. Sa aming magpipinsan kasi ay ako na lang ata ang hindi pa rin natututo kung paano gumamit ng gitara hanggang ngayon.

Matagal ko nang gusto na matutunan ang paggamit ng gitara, pero kahit kailan ay hidi ako nagkaroon ng pagkakataon para matutunan na gamitin iyon dahil sa dalawang rason---una, walang magtuturo sa akin dahil dakilang mga tamad ang mga pinsan ko, at pangalawa at higit na importante sa lahat, wala akong gitara na gagamitin. Kaya nga umaasa lang ako kapag nakakahiram si Zhen, pero pareho naman naming nakakalimutan ang dapat na agenda naming kapag nandiyan na ang gitara.

"May ganap ba ngayon bukod sa magaral kahit pa palligaw-ligaw lang ang mga multo rito sa Univ?" Nakangusong tanong ko at isinawalang bahala ang sinabi niya kanina. Nagpadausdos ako sa armchair hanggang sa parang pahiga na ako roon.

"Gago," Mura bniya sa itinuran ko sabay natawa. "Bakit?"

"Ayoko na magaral," I paused to pout. "P'wede ba 'yun?"

"Gaga, masasapok ka ni Coach at Desiree kapag narinig nila 'yan mula sa'yo,"

Lalo lang akong napanguso sa huling sinabi niya. Hindi naman talaga 'yong pagkatuto mag-gitara ang pinakapinoproblema ko ngayon. Sobrang nakakadrain lang talaga... hindi naman iyong pagpasok ang nakakadrain dahil pangatlong taon ko na 'yo sa kolehiyo tapos ngayon pa ako mapapagod sa pagaaral?

That was not my problem. The truth is, I have been dealing with my Mom everyday, which I knew wasn't healthy at all, dahil kada araw ay mas gugustuhin ko na lang na magpagabi ng uwi para tulog na siya sa oras na makauwi ako. Pero hindi ko namang puwedeng gawin iyon hanggang sa makauwi si Mama sa bahay bniya dahil may naghihintay din naman sa paguwi ko.

Pero alam kong mas matumbas sa akin ang magpagabi ng uwi kaysa maaga dahil alam ko namang naiintindihan ako ni Tita, pero dahil may respeto pa rin naman ako kay Tita at sa magaling niyang kapatid ay mas madalas ang uwi ko nang maaga.

Sobrang... nakaka-drain. Pagod ka na sa ilang oras mong nakikinig at pag-co-comply sa school, mamamasahe pauwi, tapos pagkarating mo ng bahay, ang bungad sa'yo ay puro paunumbat.

Behind Her ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon