Chapter 14

736 38 18
                                        

Maria Adelaida's POV

"Sama ng ugali n'yo. Sabi ko bili tayo fries, pati ba kayo apektado ng Mercury Retrograde?" lasing na lasing pa ring sabi ni Miss Yna nang ihiga namin siya sa guest room ni Miss Amaranth.

Naka-rating na kami lahat-lahat sa condo pero mukhang hindi pa rin nahihimasmasan ang dalawang kaibigan ni Miss. Si Miss Yna na lang ang maingay habang si Miss Dyanne ay naka-upo sa kama, magulo ang buhok, at tulala.

Tipong nandiyan pa rin ang alak sa sistema niya pero hindi siya aware. Ang gulo-gulo ng buhok niya dahil nag-sabunutan sila ni Miss Yna, pero siya, hindi siya nakaganti dahil maayos naman 'yong buhok noong isa.

Habang si Miss Yna at Miss Dyanne ay alipin ng alak, si Miss Amaranth na nakatingin sa kanila ay animo alipin ng mga kaibigan. Halata ang stress sa mukha ni Miss Amaranth, nakahawak siya sa sentido niya kanina pa habang pinagmamasdan ang kalagayan ng dalawa.

Tinulungan ko si Miss Yna na tanggalin ang coat niyang kulay itim. Tinulungan ko siya dahil mukha siyang hirap na hirap at kaunti na lang ay mukhang iiyak na siya dahil hindi niya matanggal. Kaunti na lang ay matatawa na ako dahil wala naman sa bucket list ko ang mag-alaga ng dalawang propesorang lasing, pero heto ako't nasa ganoong kalagayan.

"Montecer," tawag sa akin ni Miss Amaranth. Agaran naman ang pag-lingon ko sa kaniya upang tignan siya. "I'll go get them clothes. Handle them for the meantime."

"Okay," sagot ko na lang. Hindi ko na nakita ang pag-labas niya mula rito sa kwarto dahil mabilis na bumalik ang tingin ko kina Miss Yna.

Nang matanggal ni Miss Yna ang coat niya ay si Miss Dyanne naman ang pinuntahan ko. Mabuti na lang at mayroong suklay sa banyo nitong guest room kung kaya't hindi na ako nanghingi pa kay Miss Amaranth. Ayoko na ring kulitin siya dahil halata na sa mukha niya ang pagod.

Kawawa naman ang propesora. Kahit pa pagod na siya sa pag-aalaga, hindi pa rin niya iniwan 'yong dalawa sa kung saan man sila galing.

Kung ako kasi 'yon, makiki-iyak na lang din ako sa kanila kesa ma-stress ako. O kaya, makikitagay na lang din ako para sabay-sabay kaming lasing.

I helped Miss Dyanne to comb and untangle her messy hair dahil mukhang hindi niya alam ang ginagawa niya. She looked like she barely knew she was holding a comb and is combing her hair. Hawak niya 'yong suklay pero parang 'di niya alam paano gamitin.

When Miss Amaranth came, she went directly to Miss Yna who's now quietly sleeping while still sitting.

"I fucking swear, I'll tell Aly what you two did," bulong niyang sabi habang inaasikaso si Miss Yna. "I told you to drink responsibly..."

Napangiti naman ako roon. Kahit mukhang sasabog na siya, hindi niya sinisigawan ang mga kaibigan. Pagod ang boses sa pag-aalaga sa kanila, pero hindi siya kailanman ngayong gabi nag-taas ng boses.

"Gusto n'yo ng tulong mag-bihis sa kanila, Ma'am?" pag-aalok ko sa kaniya. Nang umiling siya ay agad akong tumayo. "Okay. I'll just go out to give you three privacy."

Hindi na niya ako sinagot kaya lumabas na ako agad. At sakto ngang pag-labas ko ay ang siyang pag-tunog naman ng cellphone ko sa bulsa ko.

Tumatawag si Ate Gica sa akin nang tignan ko ang phone ko. Lumingon muna ako saglit sa likod ko para i-check ang tatlo sa likod at saka ko sinara ang pinto. Lumayo rin ako nang kaunti para hindi nila marinig ang ingay na manggagaling sa akin.

"Hello, Ate?" dahan-dahan kong sagot gamit ang maliit at mahinang boses.

"Addy, nasaan ka na? Anong oras na ng gabi. Nandito na si Katarina pero ikaw wala pa," sagot naman ni Ate.

Behind Her ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon