Maria Adelaida's POV
"Tita, kailan n'yo aamining mayaman talaga tayo tapos hinahayaan niyo lang kaming mamuhay as is para mas tumatag pa kami?"
Mula sa pagkakasalampak sa sofa ay tumayo ako para umupo na sa dining area. Kanina pa kasi nag-luto si Tita ng lunch naming lahat. Alas-onse pa lang naman, pero halos paluto na ang lahat, siguro ay ang sinaing na lang ang hinihintay na maluto.
Sabado ngayon kung kaya't present ang lahat ng pinsan ko-maliban kay Ate Gica na kaninang alas-syete pa umalis para mag-asikaso ng mga papeles niya na kailangan daw para sa papasukin niyang trabaho. Matapos kasi ang ilang buwang pahinga mula sa part time job niya, nakahanap na siya ng 'totoong trabaho' raw niya.
Sa corporate company ata ang trabaho niya, kung hindi ako nagkakamali. Dati kasi ay part-timer lang si Ate sa flower shop na malapit dito sa amin, kaya ngayon ay nag-settle na raw siya sa corporate jobs dahil aligned naman daw iyon sa tinapos niya.
Pumalumbaba ako sa lamesa at saka sinundan ng tingin si Cesa at Tita na naghahain ngayon. Si Tita ang nag-labas ng ulam habang si Cesa naman sa mga plato, utensils, at saka baso.
"Wow, ano ka? Pinagpalang lubos?" Nang-aasar na sambit ni Zhen na kalalabas lang sa kwarto niya na siyang sinabayan pa ng mahinang tawa ni Tita nang marinig iyon.
Napairap lang ako sa hangin habang ang Tita ay parang sayang-saya pa sa sinabi sa akin ni Zhenica.
Sa natatawang boses ay sumagot si Tita sa akin, "Addy, ang sabi ko libre lang ang mangarap... ba't mo naman inabuso?"
Parang naiiyak ako sa sinagot sa akin ni Tita! Ba't kasi 'di na lang ako naging disney princess?! 'Yong tipong gigisingin ka kasi coronation night na pala. O kaya ba't 'di na lang ako naging sheep? Tipong tatalon-talon lang ako sa mga fence na makikita ko.
'Di ba p'wede 'yon?
Ang lungkot naman pala kung gano'n. Hindi ka na nga p'wedeng mag-respawn na lang sa buhay kapag gusto mo, 'di ka pa p'wedeng mamili kung ano ka kapag na-reincarnate.
Puta, paano kung uod ako sa susunod na buhay?!
"H'wag kang bumusangot at magpalumbaba sa hapag, Addy," dagdag pa ni Tita habang nagkakaroon ako ng internal monologue. "Siya, ang Ate n'yo? Tumawag o nag-text na ba?"
Ngumuso ako bago sumagot. "Hindi pa, Tita. Baka matagalan 'yun. Paano natin siya makakasabay kumain?"
Sinundan ko na naman siya ng tingin nang pumasok siya sa kusina at mabilis lang din namang nakalabas at hawak na ang lagayan ng kanin namin.
Inilapag niya ang lalagyan at saka tinawag ang mga bruhilda kong pinsan na agad namang lumabas mula sa mga lungga nila.
"Hayaan mo, kaunti lang ang kakainin ko para may kasabay siyang kumain 'pag dating niya," hinimas niya ang ulo ni Cesa nang umupo ito sa tabi niya. "Sige na, kain na... h'wag n'yo nang alalahanin ang Ate niyo at gano'n talaga kapag nasa adulting stage na."
Gaya ng sabi ni Tita ay nag-simula na nga kaming kumain. Naging routine namin na kahit isa o dalawang beses sa isang linggo ay magkakasabay-sabay kaming lahat sa hapag, at madalas nga ay weekend lang namin nagagawa iyon dahil kaming apat nina Zhen, Cesa, at Rina ay nasa college na may iba't ibang sched, at si Ate Gica na ngayon ay may bagong trabaho na.
Habang kumakain pa ay nagke-kwentuhan sila, sabayan pa ng pagtatanong ni Tita tungkol sa college life namin.
Nakikinig lang aki sa kanila habang busy sila sa pakikipagusap habang ako ay busy sa pag-kain nang biglang naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko na nakalapag sa hita ko.
BINABASA MO ANG
Behind Her Shadow
RomanceGxG | ProfxStudent | Magkapitbahay | Estrella University Series #2 Maria Adelaida, the flower crocheter of the Montecer cousins, has unexpectedly decided to roam around the village for fun, only to end up seeing the 'perfect daughter' of the Mendoza...
