Chapter 04

125 12 0
                                    

Maria Adelaida's POV

Sabi nila, kapag ang mga estudyante ay madalas sa silid-aklatan, ibig sabihin, mahilig ang mga ito mag-basa. Sabi naman ng iba, dito naman nag-aaral ang mga ito kung sakaling walang mapuntahan. Habang sa iba naman, sa library nagpupunta para humanap ng libro na kailangan para sa research nila.

Pero ako, nasa library ako kasi gusto ko lang magpahangin. Hehe.

Masisisi niyo ba ako? Malamig sa library, 'no! At hindi lang 'yon, bukod sa malamig sa library, ang tahimik pa. Sinong ayaw pumwesto sa malamig at tahimik na lugar, 'di ba?

Talaga namang nakaka-relax talaga! Ba't ko pa lolokohin sarili ko? E kung papipiliin ako kung alin sa almanac at encyclopedia ang babasahin ko, mas pipiliin kong matulog at magpahangin na lang, e. Where's the lie in that?! It's called being true to oneself.

Charot. Katamaran ang tawag doon.

Vacant ko ngayon, habang si Katarina ay paniguradong nasa klase pa. Minsan lang talaga kami magkasalubong ng schedule no'n. Kadalasan kasi ay may mga professor na nagoovertime. Nakakabwisit pa kapag umaabot ng gabi iyon. I mean, okay lang naman, kaso ang mahirap naman kasi sa isang estudyante na walang kotse gaya ko, mahirap nang sumakay kapag rush hour.

Mahirap ding humanap ng transpo. Pasensyahan talaga kapag gano'n.

Mula sa inuupuan ko ay tinanaw ko ang iilang shelf sa harap ko. Actually, hindi naman itong spot ko ang pinakamalamig, mayroon pang isa, 'yong tapat talaga sa aircon, pero ayaw ko roon, madali kasi akong sipunin kapag naka-tutok sa sobrang malamig na bagay.

"Erik Erikson... Sigmund Freud, Robert Havighurst. Seryoso ba 'yong Erik Erikson? Pangalan na niya, last name pa..." namamangha kong tanong sa sarili habang binabasa ang iilang authors mula sa shelf na nakikita ko ngayon.

Sa tingin ko ay puro patungkol sa psychology iyon. Una ko kasing nakita iyong kay Erik Erikson. Iyong psychosocial stages of development.

Parang narinig ko na iyan si Erikson somewhere, e. Hindi ko lang maalala. Or ewan, baka sadyang nabasa ko lang kaya feeling ko nakita ko na.

Tumigil ako sa pagbabasa noong mga title at author nang ma-bore ako. Tumingin ako sa paligid at marahang hinimas ang dalawang braso dahil sa lamig. Ang maikli ko pang buhok ay sumasabay sa lamig na gawa ng aircon na akala mo naman ay gawa ng sariwang hangin.

What if libutin ko saglit 'tong library?

Akmang tatayo na sana ako para gawin ang binabalak nang biglang mahinang tumunog ang phone ko. Mahina lang iyon dahil nag-vibrate lang naman. Huminto ako saglit para tignan. Wala sa sariling napa-tango naman ako nang makitang si Ate Gica lang naman pala ang nag-message.

From: Ate G ka?
Anong oras ka makakauwi? Sasabayan kitang kumain mamaya.

Napa-hagikgik ako nang mabasa ang nickname na nilagay namin ni Zhen at Cesa sa pangalan ni Ate Gica. Pinakielaman kasi nila ang phone ko! Sabi nila, magpipicture daw sila tapos biglang binago na nila ang nickname ni Ate Gica sa messenger!

Hindi ko lang mabago kasi baka batukan ako ni Ate! Baka mas gaguhin ko pa raw kasi! 'Di naman, e! OA talaga 'to si Ate!

Halos mapatalon naman ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Napa-pikit ako nang mariin nang mapa-tingin sa gawi ko si Miss Mika, ang librarian. At hindi lang iyon! Ang inaasahan kong Miss Mika ay nadagdagan pa ng isa! Si Miss Mendoza!

Gagi?! Palagi na lang siya nandiyan kapag nasa pinaka-nakakahiyang moment ako ng buhay ko! Lord, spare me, please!

I pursed my lips and whispered my silent prayer before going out of the library to answer the call. I saw how Miss Amaranth shook her head, probably thinking so stupid of me to not silent my phone inside the library.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 7 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind Her ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon