Maria Adelaida's POV
Ba't ba palaging traffic sa pinas?
'Yan 'yong palaging mystery para sa akin, e. Pero baka kapag sinabi ko ang solusyon na nasa isip ko, tawagin lang akong tanga.
"Traffic palagi, 'no?" aniko kay Rina. Nasa UV kami ngayon, halos panawan na siya ng hininga katitingin sa relo niya. Anong oras na kasi tapos hindi pa kami nakakauwi. Sabi ko naman kasi sa kaniya mauna na siyang umuwi, e! Hinintay pa niya ako.
"Tinatanong pa ba 'yan, Immaculate Conception? Kita mo ngang halos limang minuto na tayong hindi umaandar," umikot ang mata niya matapos niyang sabihin iyon. "Jusko, paano naman kasi! 'Yong traffic light, pangatlong beses nang bumabalik sa 150 seconds 'yan! Aba, paano tayo uusad niyan?"
"Ikaw lang naman ang 'di umuusad..." mapaglarong sambit ko, mahina lang dahil baka marinig ng ibang tao, at lalong baka marinig niya.
"Ano?" tumingin siya sa akin sa gilid at pinag-taasan ako ng kilay. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya dahil halatang 'di siya natutuwa sa sinasabi ko. "Paki-ulit? Mali ata ang rinig ko, 'te..." bahagya niya pang nilinis ang tenga niya.
Patagong tumawa ako nang gawin niya 'yon. "Wala... kako, move on din 'pag may time..." ngumisi ako.
"Gago ka ba?" hindi na ako nag-taka nang sabihin niya iyon! "Survey lang, gago ka ba? Ha? Anong move on? Tanga 'lang gano'n..." ngumuso siya at humalukipkip.
"Walanghiya kasing pagmamahal na 'yan... ganiyan ba talaga ang love? Hindi pala talaga palaging masaya, 'no?" kuryosong tanong ko, seryoso na ngayon.
Serious mode na, promise.
"Duh, syempre. Ang relationship, 'di lang naman palaging saya 'yan. May pagkakataong may lungkot, pero depende naman kasi 'yon." kung anong kinababaw ng sagot niya ay 'yon naman ang kinalalim ng hininga niya. "Ba't mo ba tinatanong? May minamahal ka ba ngayon?"
"Luh?" kung wala lang kami sa UV ay pinagtawanan ko na siya nang malakas. "Usapan move on, ah..."
"'To ngang traffic 'di nagmu-move on, ako pa kaya?" ngumiti siyang parang ewan. Umiling na lang ako sa kaniya at sumandal nang maayos sa upuan ko.
Pero bakit nga kasi traffic? 'Di ba pwedeng dire-diretso na lang 'yon, ah?
Pero, teka... huh?
Ah, oo nga. Ang tanga nga ng iniisip ko. Okay, aware na ako!
At least may self-awareness, 'di ba?!
Nang makarating kami sa bahay ay medyo late na. Mabuti na nga lang at na-text na namin si Ate Gica na late kaming makakarating. Paano kasi, talagang sobrang bagal ng usad sa daan! Kung hindi lang kami nasasayangan sa pamasahe ay nag-lakad na kami.
Pero 'di naman kami mayaman kaya huwag mag-sayang ng pera.
Dala-dala sa isang balikat ang bag ay agad akong umakyat sa taas para sana makapagpahinga na. Sobrang nakakapagod ang araw na 'to, 'di man katulad ng ibang araw ay nakakapagod pa rin. Kahit pa nasa byahe ay makakapagod. I mean, duh? Nakakapagod kayang umupo nang gano'ng katagal!
Tapos para sa akin, nakaka-drain na panoorin at pakinggan 'yong mga sasakyan na mag-beep beep para lang maka-usad mula sa traffic. Parang nanakit nga ang mata ko kakatingin sa puro pulang tail lights, e!
Pahakbang pa lang ako papasok sa kwarto ko nang marinig ang boses ni Tita. May kausap ata siya sa telepono dahil may naririnig pa akong isang boses. Hindi ko na sana pagtutuonan pa ng pansin iyon pero napatigil ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang pag-sambit sa pangalan ko ni Tita.
"Adel, hindi na ako natutuwa riyan sa pamangkin mo." parang nahigit ko ata ang hininga ko sa unang sinabi niya. "Ano ba nangyayari riyan sa batang 'yan? Sa magandang eskwelahan naman pumapasok, ba't gano'n ang ugali? Napaka-walang modo..." sa pagod na paraan ay bumuntong hininga ako.
BINABASA MO ANG
Behind Her Shadow
RomanceGxG | ProfxStudent | Magkapitbahay | Estrella University Series #2 Maria Adelaida, the flower crocheter of the Montecer cousins, has unexpectedly decided to roam around the village for fun, only to end up seeing the 'perfect daughter' of the Mendoza...
