Maria Adelaida's POV
Amusement was evident from Miss Lia's eyes. Na para bang naeenjoy niyang nakikita ang reaksyon ko. Na para bang isang malaking entertainment show ang nangyayari ngayon sa loob ng opisina ng kaibigan niya.
Samantalang si Miss Yna, hindi ko alam kung kailan at paano, may hawak nang cherry ngayon. Isang piraso lang iyon at may tangkay pa. Naka-upo at sandal siya sa couch ni Miss Amaranth na para bang pagmamay-ari niya iyon. Nakapatong pa ang dalawang braso sa sandalan habang dahan-dahang tinanggal ang cherry mula sa tangkay nito. Naka-cross pa ang mga paa niya.
Kagaya ni Miss Yna, nakangising naka-tingin siya sa amin. Palipat-lipat. Mula sa kaibigan niya, papunta sa akin, at kay Mejes na papalapit.
Tumaas tuloy ang kilay ko.
Lumapit kahit hindi tinawag?
"Ang sarap mag-siopao," I said absentmindedly. "Sarap manguha ng pusa ngayon, e,"
Syempre, joke lang. That's animal cruelty. Huh. Mabuti na lang at hindi animal si Cat.
"That's what she said..." rinig kong bulong ni Miss Lia habang tinatago ang ngisi niya.
"I turn my cheer music up and I'm puffing my chest..." ani Miss Yna, nasa aktong pagkuha na naman ng cherry niya. Hindi ko alam pero may tono iyong sinabi niya, nagtunog kanta tuloy.
O baka kanta talaga iyon? Parang pamilyar kasi.
I can't help but to stare at them. Intently. I can't help but to stare at them intently and remember what I have heard before. Sabi ni Miss Amaranth, stop daw, e ba't nandito na naman 'yan siya?
Ayoko na! Hindi na para mag-taas at baba ng tingin, Maria Adelaida! Wala 'yan! Sinong mas angat at sinong sikat lang ang katapat niyan.
Kaso, eguls. Tangina. Mas sikat pala siya.
Ipinagsawalang bahala ko silang dalawa. Tulad ng sabi ni Miss Amaranth, mayroon akong klase in an hour, kaya naman nag-ayos na ako ng gamit ko. Sakto lang din dahil tapos na rin naman ako sa ginagawa ko.
Maingat na inilapag ko ang ballpen upang hindi makagawa ng ingay. Nakakahiya naman kasi sa kanilang dalawa. Mabilis ko ring ibinalik ang mga card sa table ni Miss, bahagya pang nadaanan si Catalina Mejes. Mabilis din akong bumalik sa upuan ko, lumilipat ang tingin sa kanilang dalawa.
Hindi ko na sana papansinin pa ang presensya ni Catalina, dahil una sa lahat, hindi na para pansinin ko siya. Kung tutuusin, pareha lang naman kaming estudyante na nasa opisina ng dragona dahil may kailangan kami. Kaya lang, mas mahalaga ang sa akin.
Nandito ako para sa scholarship ko, habang siya... 'yon ang aalamin natin.
Bakit nga ba siya nandito?
"I'm sorry for disturbing you, Professor Mendoza. I was task by the dean to hand this to you..." aniya sa mahinang boses, marahil nahihiya.
Kung titignan si Catalina, mukha naman siyang... mabait. Mahinhin kung kumilos, mahinahon ang boses, malambot pa. Kung maglakad ay parang alam na alam niya kung nasaan siya, o kung ano ang gusto niya. Hindi man kasing lebel ng dragonang propesora, hindi sila nagkakalayo.
Luxury and sophistication.
'Yong ang pagkakapareho nila. Pero si Catalina, kahit walang alahas sa katawan, ramdam mo nang gano'n siyang klase ng tao: marangya.
BINABASA MO ANG
Behind Her Shadow
RomanceGxG | ProfxStudent | Magkapitbahay | Estrella University Series #2 Maria Adelaida, the flower crocheter of the Montecer cousins, has unexpectedly decided to roam around the village for fun, only to end up seeing the 'perfect daughter' of the Mendoza...
