Chapter 01

1.4K 56 5
                                        

Maria Adelaida's POV

"Gagi, nakakahiya talaga! Susumbong kita kay Ate Gica! Lagot ka..." ani Cesa habang naglalakad kami pauwi. Naka-nguso pa ako habang binibilang ang tigbebenteng ibinigay noong kasama nung babae kanina!

Aha! Galante mag-bigay! Paano pa pala sa pasko? Shucks, gano'n ba talaga kapag mayaman? Ilang tigbebente rin ito, e! Hmm... siguro around 240 pesos ang binigay! Tapos sa iba, ni piso wala. Ang kuripot, ah! Tinatanggap ko na nga ang piso kahit walang nabibili na roon!

Paano naman kasi, maski candy, wala nang tig-piso! Meron, tatlong piraso para sa limang piso. Awit, bro! Dati, limang piso ay may limang candy ka na!

"Ba't kinakausap mo 'yan? Tanga... 'di natin kilala 'yan." Sambit naman ni Katarina habang pabirong lumalayo sa akin, inikutan ko lang siya ng mata.

Arte, ah! Parang hindi naman pinsan 'to.

"Ulol, bahala ka, wala kang hati. 'Di ka naman nakanta! 'Di ka rin pumapalakpak man lang! Ano ka ro'n, 'Te? Decorations?" Sarkastikong aniko sa kaniya. Inalog-alog ko pa ang barya sa kamay ko at parang batang nagsi-skip pa.

"Grabe ka na, 'Dy..." tinawanan ako ni Zhenica. "Pambabayad mo 'yan sa archery, 'no?"

"'Di, ah..." tumawa rin ako. "Trip ko lang mangaroling. Walang siraan ng trip, Zhen." Nagtawanan kaming apat hanggang sa makarating kami sa bahay.

Nang makapasok kami ay sumalubong sa amin si Ate Gica na naka-pamewang, parang nanay na naghihintay makauwi at mahuli ang anak sa pag-takas. Tumingin siya sa wall clock at saka ibinalik ang tingin sa aming apat. Tumayo kaming tuwid nang tignan niya kami nang marahan.

Hala, lagot nga...

Hehe, kasalanan ko 'to.

Oo, inaako ko na. Tanginang 'yan. Trip ko nga kasi 'to, 'di ba?

"Anong oras na, bakit ngayon lang kayo umuwi? Ang sabi niyo may gagawin lang kayo, bakit inahot kayo ng dis-oras ng gabi? Uwi ba 'yan ng matinong babae, ha?" Panenermon ni Ate sa amin. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko at napapikit nang mariin dahil doon.

"Ate, let me explain something," ani Cesa. Sa loob-loob ko ay natatawa na ako pero sa abot ng makakaya ko ay pinigilan ko. Princesa naman kasi! Ginaya niya 'yong sa social media! Narinig ko ang impit na tunog na nangggaling kay Zhen kaya mahina ko siyang hinampas. "Si Addy 'yon, 'Te! 'Yong trip niyang magkaro'n ng pera, alam mo ba, Ate-"

"Nangaroling kami, Ate!" Hindi ko na pinayos pa si Cesa at ako na mismo ang nag-sabi.

"Ano?" Nangunot ang noo niya. "Nangaroling kayo? August lang, ah? Advanced kayo mag-isip?"

"Para advanced din 'yong pera, 'di ba-" pinigilan ko ang sarili kong matawa nang sumeryoso na naman ang mukha ni Ate.

"Hanggang saan kayo nag-punta?"

"Sa mga Mendoza," ani Katarina para sa aming apat. "Pinipigilan ko nga e, pero wala." Nag-kibit balikat siya.

"Luh, bakit? Mga Mendoza lang naman 'yon... ano naman?" Tanong ko sa kanila.

Narinig ko ang tawa ni Cesa. "Gaga, sila 'yong may pinaka-malaking bahay rito sa village. Pati, kilala ang mga Mendoza bilang private na tao. Aba, Ate! Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang nakita si Amaranth Mendoza! E 'di ba, hindi naman daw pala-labas 'yon?"

"Talaga?" Parang biglang naging interesado si Ate Gica. Tumango naman si Cesa sa tanong ni Ate. "Ang mga Mendoza nga 'yong may pinaka-malaking bahay rito, at kilala rin sila bilang pinaka-pribadong pamilya rito sa village."

"Ay, pa-mysterious," bulong ko sa sarili.

Ang mysterious, ah! Naririnig ko na noon pa ang mga Mendoza! Palagi ko ring nadadaanan ang malaki nilang bahay, pero 'yun na 'yon! What's so special about that? 'Yon lang naman 'yon. E 'di congrats sa akin dahil nakita at nakausap ko si Amaranth Mendoza! Achievement ba dapat 'yun?

Behind Her ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon