Chapter 08

605 36 6
                                        

Maria Adelaida's POV

"Hala ka, ano ginawa mo?" parang nananakot na tanong sa akin ni Desiree nang makaalis si Miley. Halos batukan ko naman siya sa sinabi niya dahil nakakatangang tanong iyon mula sa kaniya.

"Katabi lang kita, naging bingi ka na?" maangas na sagot ko. "Meeting nga raw ng scholars, gago."

"Ah," napakamot siya sa ulo niya, mukhang narealize na. "Gano'n ba? Sige, goodluck." itinaas niya ang kamay niya para bigyan ako ng thumbs-up. Natawa naman si Hanna sa ginawa niya kaya para silang baliw na nagkukulitan sa harap ko.

Naisip ko naman agad si Katarina. Gaya ko, scholar din siya, kaya panigurado ay nasa meeting din siya. Depende siguro kung may klase siya, pero mukhang wala naman dahil marami ang nasa labas ngayon, may possibility na baka wala rin siyang klase.

"Iwan ko na kayo, ah? Pupunta lang ako sa meeting." paalam ko sa dalawa, at nang tanguan nila ako nang sabay ay saka na ako umalis para pumunta sa office ni Director Estrella.

Nasa kabilang building kasi ang office niya. Super effort pa ng SSG at ni Miley para hanapin isa-isa ang mga scholars. Maraming building ang EU gawa ng marami ngang department, mabuti na lang at hindi masyado malayo rito sa department namin ang Main Hall.

The universe must've known I needed to attend the meeting to the point that the elevators weren't full at all. Kakaunti lang ang gumagamit, na para bang sumasang-ayon ito sa akin ngayong araw. Isang minutong paglalakad lang ang inilaan ko para tuluyang makarating sa Main Hall. The news of having a meeting was indeed true when I saw some students on their way to the office. Some of them were familiar, and some of them weren't.

My eyes searched for my cousin, and in the midst of the crowd, I was finally able to find her. Mag-isa lang siya habang nagpho-phone, mukhang hinihintay din ako. Parang routine na kasi naming dalawa ang maghintayan at maghanapan sa tuwing may ganito. Madalas kasing every month ang meeting gawa ng gusto ni Director Estrella na notified siya about sa grades namin.

Bagay na hindi ko na ikinataka dahil bilang sponsor ng tuition namin, gusto niyang malaman kung sa tama ba namin nagagamit ang scholarship namin. I was thankful with it, though. Mayroon kasing iba na tine-take for granted ang scholarships nila, to the point na malakas ang loob nilang mag-cutting kasi hindi nga naman sila nagbabayad ng tuition.

Nakakapanghinayang lang na may mga taong ganoon. Binigyan na nga ng oportunidad upang mag-aral, saka pa sila magpapabaya. Sa hirap ng buhay ngayon, bibihira na lang ang may mabubuting puso na tutulong sa iyo para makapag-aral.

Madali sa kanila ang mag-cut dahil hindi naman sila ang nagbabayad para sa tuition nila, pero sa pagtatapos ng araw, sila lang din naman ang mahihirapan dahil nasa harap mo na ang opportunity, nilayasan mo pa.

Kaya mataas ang respeto ko sa mga Estrella, hindi dahil sila ang may-ari ng university, kundi dahil mabubuti ang puso nila. Mabubuti sila. With Director Estrella and Mrs. Azaleia Estrella themselves, ramdam mo na ang kabutihang panloob tignan mo pa lang. Although Director Estrella looked strict, he was very kind deep inside.

Rina's eyes brightened when she saw me. Agad naman akong sumalubong sa kaniya nang lumapit siya sa akin. Bahagya pang kumunot ang noo ko nang makitang wala siyang dalang gamit.

"Asaan ang gamit mo?" tanong ko sa kaniya habang sinusuri siya.

"Nasa mga kaibigan ko, vacant namin, e," aniya, nagpapabigat pa sa akin nang i-hilig niya ang katawan niya sa akin. "Palagi kita 'di makita rito sa Univ, noong nakaraan nakita kita lumabas, e."

Nagulat ako sa sinabi niyang iyon, 'di inaasahan na nakita niya pala akong palabas dahil hindi ko naman siya nakita! Akala ko may klase siya nung mga panahong iyon!

Behind Her ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon