Maria Adelaida's POV
"Gago, ba't para kang batang inaway diyan?"
Mula sa pagkakalugmok sa armchair ko ay inangat ko ang ulo ko para makita ang hudas na umepal sa idlip ko.
Walang iba kung hindi si Desiree!
"Laki mong istorbo sa idlip, e, 'no?" Pagsusungit ko sa kaniya at padabog na inayos ang buhok kong nagulo mula sa pagkakayuko. Inirapan ko siya nang tawanan niya ako sa ikinilos ko.
"Sorry na," natatawang sambit niya. "Ano bang problema mo? Tatlong araw ka nang iritable, ah?"
Mula sa pagkakatayo ay umupo siya sa tabi kong armchair. Hindi ko alam kung paanong nahanap niya ako! Dito na nga ako nagtago sa lumang bar lab, pero nahanap niya pa rin ako!
Nakakainis kasi. Hindi ko rin alam kung bakit! Ang bilis-bilis lumipas ng panahon talaga. Ni hindi ko napansin na ilang araw na pala akong ganito.
Ewan ko ba. Matapos kong dumaan sa office ni Miss Mendoza ay hindi na ako umulit ulit. Ano namang gagawin ko ro'n? Makinig sa usapan ng dalawang taong palihim na nagkikita sa office niya?
At ano? Marinig ang pagtawag ni Catalina Mejes na love kay Miss Mendoza?
Pang-tanga lang 'yon.
At ang katangahan, hindi araw-araw pinapairal.
Tsk.
"Wala," simpleng sabi ko na lang, labag pa sa loob ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit ganito ako kung umakto! Para na akong baliw dito, sa totoo lang.
Parang nawalan ako ng gana sa lahat noong araw na 'yon. Aish! Baka pagod lang ako!
Pero tatlong araw na akong pagod?
"Anong wala?" Nang-aakusang tanong niya. "Hindi wala 'yan, beh. Isipin mo, ilang araw ka nang ganiyan, para kang inis na inis at bwisit na bwisit sa lahat, tapos wala? May dahilan 'yan..."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Nag-tanong ka pa, 'no? May sarili ka nang desisyon, e."
"E, ano nga kasi at ganiyan ka?" Tanong na naman niya ulit. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya.
"Hindi ko alam," pagsasabi ko ng totoo. "Okay na? Hindi ko alam ba't ganito ako."
"Baka magkakaro'n ka na," she concluded.
"Tapos na ako."
"Hm... stressed sa nursing?"
"Imposible. Hindi pa mabigat sa ngayon ang nursing para sa akin."
"Uhm... stressed sa mini-task ni Director Estrella?"
"Hindi rin."
"O baka may-" napatingin ako sa kaniya nang bigla siyang tumigil sa pagsasalita at suminghap nang malakas. Napa-kunot pa ang noo ko nang maarte niyang tinakpan ang bunganga niya gamit ang kamay niya, animo gulat na gulat. "Gago, alam ko na!"
"Ano?" Naka-kunot noong tanong ko. Bago pa siya sumagot sa tanong ko ay umismid muna siya sa akin, parang nang-aasar. Sa asar ko naman sa kaniya ay pinalo ko ang braso niya. "Ano nga?!"
"May crush ka na ba?"
Parang natigilan ata ako sa sinabi niya, hanggang sa unti-unti ay umusbong ang tawa ko. Hinampas-hampas ko siya habang tumatawa, literal na na-entertain sa sinabi niya. Ang tawa ko lang ang naririnig sa buong lab, hanggang sa tumigil iyon dahil tila nanahimik siya.
"Baliw, amputa!" Pumalakpak ako. "Crush?! Pucha! Pang-grade 2!"
Imbes na mainis siya sa reaksyon ko ay parang mas lalo lang siyang natuwa roon. "Aha. Confirmed. Meron nga."
BINABASA MO ANG
Behind Her Shadow
RomanceGxG | ProfxStudent | Magkapitbahay | Estrella University Series #2 Maria Adelaida, the flower crocheter of the Montecer cousins, has unexpectedly decided to roam around the village for fun, only to end up seeing the 'perfect daughter' of the Mendoza...
