Chapter 05

720 41 9
                                        

Maria Adelaida's POV

Hay! Bakit kapag weekend, ang bilis ng oras? Pero kapag weekdays, ang bagal-bagal ng takbo ng oras? 'Yung tipong katatapos lang ng byernes, tapos isang pikit, lunes na naman agad.

Parang isang malaking curse na 'yang weekend na 'yan sa akin, e. Madaya talaga ang takbo ng oras! Hindi lang 'yan tuwing weekends e, mabilis ang takbo ng oras kapag masaya ka, pero kapag malungkot ka, napakabagal na para bang gusto ng mundo na damdamin mo lahat ng negative energy.

Hindi siya nakakaganda, world.

Pero okay lang 'yon, buti na lang maganda ako. Hehe.

Sabado nga ngayon at eto ako naka-hilata sa napakaganda at lambot na sofa ni Tita na kulay pink, kakulay pa ng pader. Bakit ang hilig nila sa pink na pader? 'Yun ang napapansin ko sa bawat bahay na nakikita ko, e. Kung hindi green, pink naman na pader.

So ayon na nga, dahil tapos na rin naman ako sa mga kailangan kong tapusin kahapon, heto ako at nag-liliving so good. Kapag nabobore na kasi ako kaharap ang mga yarn ko na pagulong-gulong lang kung kelan nila trip, ito ang libangan ko-ang manood sa netflix.

Isa rin 'to sa bonding naming magpipinsan. Nga lang, hindi ko kasama 'yong mga pinsan ko ngayon dahil busy sa kani-kanilang ginagawa. Si Ate Gica, may inaasikaso, graduating na kasi kaya sa aming lahat, siya talaga ang pinaka-busy.

Si Zhenica naman, busy rin dahil gaya ni Ate Gica, graduating din siya, graduate nga lang 'yon sa ex-crush niya. Parang tanga, mukhang nag-celebrate pa ang gaga. Si Princesa naman, ayon at kasama ang jowa niyang kala mo robot sa pagka-nonchalant.

At si Katarina, nasa University dahil nag-presintang tumulong sa club na sinalihan niya sa department nila.

Kaya mag-isa ako ngayong nanonood ng Brave. Favorite ko nga kasi si Merida! Isa kaya siya sa dahilan ba't ako sumali sa archery. Masaya rin talaga siyang matutunan, sa totoo lang. Nga lang, sadyang hindi ko siya masyadong nabibigyan ng time at effort hindi katulad sa pagkahilig ko sa pagko-crochet. At isa pa, focus nga lang ako sa goal.

Ang mag-aral nang mabuti.

Aba, syempre! Ano na lang sasabihin ng iba riyan, 'di ba. Mabuti nang mag-aral nang mabuti kesa may masabi sila. Puro lang naman sabi 'yon, wala namang laman mga pinagsasabi nila. Ang dapat gawin do'n, mag-show off.

Like-who you ka, girl.

Gano'n!

Minsan talaga kung sino pa 'yong pangit ugali, sila pa 'yong may nasasabi, e, 'no? Napaka-ignorante. Sa hirap ng buhay ngayon, 'yong iba, kahit anong kagustuhang makapag-tapos, hindi kaya. Pero sila itong may kakayanang makapag-tapos, sila pa 'yong matabil ang dila.

Sa ugali na lang babawi, aba, nagpatalo pa talaga 'yan siya.

Anyway, back to Brave. Hayan nga't nangangalahati na ako. Ni hindi ko rin alam kung pang-ilang movie ko na 'to ngayong araw. Sa sobrang boring, ayan at nag-movie marathon na lang ako. Pero bago pa 'yan ay nag-crochet muna ako ng tulips, kaya naka-tambak lang siya riyan sa table sa harap ko.

"Addy, 'nak?" mula sa TV, napunta ang atensyon at tingin ko kay Tita na malumanay akong tinawag. Napa-ayos naman ako ng upo.

"Po?"

"Utusan sana kita, nagluluto na kasi ako ng hapunan. Pasuyo naman ng patis para may sawsawan tayo..." ani Tita Adel at bahagya pang ngumiti at saka abot ng baryang nasa kamay niya.

Inabot ko naman 'yon at saka isinuot ang tsinelas ko na nasa malapit lang. "Datu Puti or Silver Swan, Tita?" nagbalik ako ng tingin kay Tita.

"Kahit ano, 'nak," sagot niya at saka umupo malapit sa pwesto. Nag-thumbs up naman ako bilang sagot at saka madaling lumabas upang maka-bili ng patis.

Behind Her ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon