Maria Adelaida's POV
From: Unknown Number
Ty.
Kita mo nga naman, magte-thank you na lang talaga, parang kinulang pa siya sa letra sa keyboard n'ya. Naiiling na binasa ko nang paulit-ulit ang text message niya. Iisang salita lang 'yon, ni hindi nga salita 'yon, dadalawang letra lang na pinagsama, pero parang ang laki ng impact sa akin.
Noong gabing iyon, naglakad kaming dalawa papunta sa bahay nila. Dahil nga alam ko na kung saan ang bahay nila, inihatid ko na siya. Kawawa naman kasi ang propesorang masungit kung iiwan kong mag-isa sa dilim.
Kawawa rin 'yong mga naglalakad ng ganoong oras. Isipin mo, madilim na nga, tapos biglang may maputing babae na lalabas. Bilang isang concerned citizen, ayoko namang ma-report ang subdivision namin na may pagala-galang white lady, kaya sinamahan ko na lang siyang maglakad.
Ako na rin ang nag-asikaso ng kotse niya. Syempre, hindi siya pumayag noong una. Isang mahabang bangayan pa sa daan ang inabot namin bago ko siya napapayag na ihahatid ko muna siya tapos ako na ang bahala sa kotse niya.
Dumaan ako sa talyer na malapit pero malayo bago ako umuwi. Hindi ko rin hinayaan na sila lang ang bumalik sa daan kung nasaan ang kotse. Malamang, paano naman nila malalaman kung nasaan iyon kung hindi ako sasama?
"Kuya, paki-sigurado po na walang gasgas, ah? Mukhang mas mahal pa 'yan sa buhay ko, e," paalala ko kay Mamang Mekaniko nang makarating kami muli roon sa daan.
Natawa naman siya sa sinabi ko. Gamit ang towel na nasa balikat niya, pinunasan niya ang pawis niya sa gilid ng noo. "Ako na'ng bahala." Aniya. "Ano ba ang nangyari at dito pa kayo inabutan?"
"'Di ko rin po talaga alam," pagsasabi ko ng totoo. "E bigla na lang po tumigil. 'Di naman po flat, 'di rin naubusan ng gasolina."
"Siya, baka sa makina ang sira," sagot niya sa akin. "Bukas ko pa ito maaasikaso at anong oras na rin, hija... pero asahan mong tapos ko na ito ayusin bukas mismo."
Napangiti ako roon. "Sige po, salamat po."
At ayon. Hinayaan ko na silang dalhin ang kotse ni Miss Amaranth sa estasyon nila. Kampante naman akong magiging ligtas ang kotse sa kamay nila. Wala pa namang narereport na missing car dito sa subdivision.
Hindi ko rin inaasahan na sa araw ng pagbigay ko sa kaniya ng numero ko ay siya ring unang text message n'ya sa akin. Nang makita ang dalawang letra at isang tuldok na message na iyon, hindi na ako nagtaka pa kung sino 'yon.
To: Unknown Number
K.
Reply ko sa kanya, may mapaglarong ngiti sa labi. Sabi nga nila, if you go low, I go lower.
Hindi pa ako nag-expect pa ng sagot mula sa kaniya kahit pa na-deliver at na-seen niya iyon. By her looks, alam ko nang siya 'yong tipo ng tao na nanglo-long press at nangsi-seen lang.
Bigla ay may kapilyuhang pumasok sa isip ko. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko habang gamit ang phone ko. Pinindot ko ang profile ni Miss Amaranth at napasyahang lagyan siya ng contact name.
Ang boring naman kasi kung Unknown Number lang, kaya lalagyan ko siya ng contact name!
To: Miss Mendowzuh (🙄 <- her)
iZeEsS3nNdH KhO ZAyHoH 4DdrReEzZsS 4nHdH nHUhMhbeERh nNGh MEkHaN!KoH pHAarRa aLhaM mHoH 5AAaN PUhp|_|ntHAa
Maluha-luha ako habang tumatawa nang isend ko iyon sa kaniya. Kung ibang tao siguro ako, hindi ko magegets iyon, at dahil bilang alam kong hindi naman siya sanay sa ganiyang typings, jejemon ang ginawa ko para mapilitan siyang mag-type at sumagot nang mahaba.
'Yong hindi kinulang sa vowels at letters.
Pero, puta, malala pala talaga siya.
From: Miss Mendowzuh (🙄 <- her)
???
BINABASA MO ANG
Behind Her Shadow
RomanceGxG | ProfxStudent | Magkapitbahay | Estrella University Series #2 Maria Adelaida, the flower crocheter of the Montecer cousins, has unexpectedly decided to roam around the village for fun, only to end up seeing the 'perfect daughter' of the Mendoza...
