Chapter 10

606 40 13
                                        

Maria Adelaida's POV

Adrenaline and focus. According to my professors, these two are often connected. But not always. The connection of these two words depends on the situation and individual responses to adrenaline.

In Nursing, adrenaline is a critical part of the body's response to high-stress, life-threatening situations, or emergencies in general. When someone is dealing with an emergency, their body releases adrenaline as part of the "fight-or-flight response." This is where adrenaline rush happens.

The surge of adrenaline can lead to a heightened state of alertness and awareness.

"Uh-huh... for example, someone with a crush might feel hyper-aware of their surroundings, noticing every detail when near their crush-like a heightened sense of perception in a fast-paced work environment, similar to what nurses experience when managing high-stress situations..."

Tila napakunot ako ng noo ko nang parang hindi ko naintindihan ang binabasa ko. Kumurap-kurap ako dahil parang nahihilo ata ako sa binabasa ko. Bahagya ko pang hinilot ang sentido ko, iniisip na baka sa ganoong paraan ay pumasok na sa utak ko ang kung ano mang binabasa ko.

"Someone with a crush might feel hyper-aware of their surroundings, noticing every detail when near their crush-" Puta. Napasapo ako sa noo ko.

"Huy, oks ka lang ba? Mukha ka nang pinagbagsakan ng langit at lupa diyan," napatingin ako sa gilid ko nang marinig ang boses ni Hanna.

Nasa library kaming tatlo. Ako lang dapat ang nandito pero nakita nila akong dalawa na papunta rito kaya sumama na sila. Wala naman akong nagawa dahil dalawa sila at iisa lang ako, kaya hinayaan ko na.

It was blessing in disguise, though. Buti na lang ay pumayag ako dahil nakuha ko na rin 'yong matagal ko nang hinihiram kay Desiree. Sabi niya kasi ay may pinapahiram na nursing notes ang pinsan niya, at syempre bilang isang magandang babae na walang pinapalagpas na oportunidad, hiniram ko na!

At ito nga 'yon. 'Yong binabasa ko ngayon.

"Sure ka bang sa pinsan mo 'to?" Tanong ko sa kaniya para makasigurado.

"Oo, bakit? Siya pa nga nagbigay sa akin niyan," nginuso niya 'yong hawak kong notebook. It wasn't a normal notebook, though. Mukha siyang pages ng binder tapos nilagyan ng ringbinds para ma-separate from the other pages. "Mali ba?"

Agad akong umiling. "Hindi naman, pero kasi-"

Hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ay inagaw na niya sa akin ang notebook. Hindi na lang ako nagreklamo dahil baka mag-ingay kami! Lagot kami kay Miss Mika kapag nagkataon!

Mabait naman 'yon pero iba kapag nananaway siya ng maiingay sa loob ng university library.

Mariin na napapikit na lang ako nang mabasa na nila ang mahabang linya na tila kanina ko pa binabasa pero hindi naman rumerehistro sa utak ko ang ibig sabihin.

I mean, gets ko siya! Gets na gets! Pero puta, parang gago lang! Mukha akong tanga na akala mo ibang lengguwahe 'yon para hindi maintindihan!

"Akin na nga 'yan," saway ko sa kanila dahil matapos nilang basahin iyon ay parang asong ulol na silang nakatingin at nakangisi sa akin. "Akin na kasi-"

"Kaya pala nakakunot ang noo mo dahil diyan. Sa example lang? Para kang stressed na stressed?" Natatawang binalik sa akin ni Rijanna ang notebook. Inikutan ko lang siya ng mata sa sinabi niya.

"Tangek," ani Desiree. "Kaya ganiyan siya kasi nakakarelate 'yan."

"Gago ka ba?" Aniko naman, aambahan na sana siya ng suntok sa mukha.

Behind Her ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon