Chapter 23

555 37 10
                                        

Maria Adelaida's POV

Amaranth Mendoza accepted your friend request.

Ngiting tagumpay ako nang magising ako ngayong umaga. Paano ba naman kasi, matapos niyang sabihin na neighbor zoned daw ako, hindi ako nag-dalawang isip pa para i-add siya sa Facebook.

Matagal ko nang minamata ang account niya, kaya naman laking gulat ko nang pagdilat ng mga mata ko at pagbukas ko ng cellphone ko, iyon ang notification na bumungad sa akin.

She said I was neighbor zoned, so I added her on Facebook, at kapag in-accept niya ako, e 'di friend zoned na!

Ang talino ko talaga kahit kailan.

Amaranth Mendoza
You're friends on Facebook

Adelaida
👋
awh, friends na tayo sa fb

Amaranth
?

Adelaida
so cold naman TT akala ko bati na
tayo, ma'am?

I giggled at that. Inaasar ko na naman siya, ang aga-aga pa!

Tapos ito naman ako, nakangiti mag-isa habang naglalakad mag-isa para pumasok. Feeling ko tingin na ng mga nakakasalubong ko, weirdo ako. Paano naman kasi, wala naman akong kausap, nakatutok lang sa phone, tapos tumatawa.

Kung ako mismo makakakita sa sarili ko, babatuhin ko ng sapatos 'yan. Mukhang baliw, e.

Amaranth
It's too early.

And I shouldn't have pressed that
accept button if I knew you'd start
flooding me with your chats.

Ang OA naman! Flooding agad?! Dalawa pa nga lang ang sinisend ko!

Adelaida
grabe naman sa 'flooding,' nag-hi lang
naman ako sa'yo, ma'am.

Amaranth
Okay.

Humalakhak ako. Sungit talaga! Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong iniirapan na ako niyan. Ang aga-aga pa nga, tapos high blood na naman siya riyan.

Adelaida
friends na tayo sa fb, miss amaranth, wanna know what's next?

Amaranth
What?

I grinned, unti-unti ay napatigil ako sa paglalakad, tumingin pa sa paligid na para bang may makakakita sa susunod kong isesend.

All smiles, I typed my comeback.

Adelaida
lovers :)

I waited for her reply while biting my nails. Nakarating na lang ako sa classroom nang hindi niya pa rin ako narereplyan, maski seen niya ay wala pa.

Feel ko naka-long press ako sa kaniya!

Puta naman kasi, Addy! Ang landi-landi?! Pero joke lang naman kasi! Pinagtitripan ko lang siya!

Nakaupo na lang ako sa upuan ko at wala pa rin ang seen niya. Paglinga ko sa paligid ay 'yung dalawa pa lang ang nandito—si Rae at Ash—pero si KC ay wala pa.

Asan kaya iyon? Halos magta-time na nga tapos ayaw pa ako replyan ni Ma'am! 'Pag nagtime na at hindi ko nasend ang dapat kong i-send, iiyak ako!

Behind Her ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon