Chapter 06

672 35 5
                                        

Maria Adelaida's POV

Panibagong araw, panibagong trip na naman!

Isang bagong araw na naman para sa isang nursing student na katulad ko na naligaw sa building ng Psychology Department. Hindi ako bored, may sadya talaga ako rito, e!

Habang may hawak na milkshake ay masigla akong naglalakad papunta sa isang room dito sa department na 'to. Naitanong ko na kasi si Miss Malia kung nasaan ang hanap ko, at thankfully, alam niya kung nasaan ang hinahanap ko!

Dalawang lugar lang naman daw ang posible niya-ang sariling office nito o ang favorite classroom niya. Sabi ni Miss Lia, kaya niya raw 'yon favorite dahil kita ang open area mula sa bintana. Ang lakas kasing maka-The Ruins ng Bacolod 'yong open area. Kung ako lang din, gugustuhin ko rin namang doon na lang manatili para pagmasdan ang kabuuan ng lugar.

Nasa kaliwang kamay ko ang milkshake habang nasa loob ng pants ko ang isa, itinatago ang keychain na ginawa ko kagabi. Sakto pang maitatago ko ito dahil hindi kami naka-uniform ngayon. Usually kasi ay Wednesday o Thursday ang wash day. Naka-depende talaga iyon sa subjects sa isang araw.

Unti-unti na akong napapangiti nang papalapit na ako nang papalapit sa room na pinaglalagyan ni Miss Amaranth. Mabagal akong nag-skip hanggang sa nasa tapat na ako ng pintuan na salamin ang gitna. Dahan-dahan akong sumilip upang tignan kung may klase ba siya. I muttered a silent 'yes' when I saw nobody but her.

She seemed busy with her laptop, so quietly, I opened the door and closed it without making such noise. She was so preoccupied that she didn't even notice I was inside the classroom with her. Sa sobrang tahimik niya ay parang gusto ko na lang din mag-tiptoe para hindi makagawa ng ingay.

Just like what I always observe, Miss Amaranth's the type of person to be very opinionated, she always speaks out her thoughts, respectfully voicing out what she thinks is right or wrong, pero kapag tahimik naman siya ay literal na kabaliktaran na niya. Kasi kapag tahimik siya ay tahimik din ang thoughts niya.

Kasi nasa ibang bagay ang isip niya. At 'yong bagay na iyon ay sa tingin ko ay dalawa lang. Una ay trabaho, at pangalawa ay personal na buhay niya.

At heto nga siya, nasa trabaho ang isip. Kunot tuloy ang noo. Hindi talaga bagay sa kaniya kapag ganiyan.

Dahan-dahan ay inilapag ko ang milkshake sa table niya. Parang doon lang siya natauhan na may iba pala siyang kasama sa loob. I smiled widely when she finally saw me. From furrowed brows, her eyebrow grew, trying to intimidate me with her oh-so-iconic glare.

"Hello!" Masiglang bati ko sa kaniya. "Milkshake?" I offered.

"You already settled the milkshake on my table, how iconic of you to even offer," mula sa akin ay bumalik ang tingin niya sa laptop. "I appreciate the offer, but no, thank you."

Natawa naman ako sa bahagya niyang pag-lingon. The words she said and her eyes are contradicting. She looked like she liked the flavor of the milkshake I bought, so I pushed the milkshake towards her.

"Sige na, Ma'am, it's yours." I said, I grabbed my bag from my shoulder and brought out my handkerchief and immediately wrapped it around the milkshake. "Binili ko 'yan para sa'yo. Miss Lia said you don't drink coffee, kaya 'yan ang binili ko."

She looked hesitant to accept the milkshake for a while, and God knows how happy I was when she finally got a hold of the cup. Nang oras na matikman niya ang binili ko ay maliit siyang napangiti pero agad niyang iwinaksi iyon, napangisi naman ako dahil nakita ko iyon!

I see, Miss Amaranth has a soft spot for biscoff milkshakes.

"Thanks," maikling aniya at ibinaba ang cup upang bumalik sa ginagawa. "What are you doing here, anyway?" aniya nang hindi tumitingin sa akin.

Behind Her ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon