Maria Adelaida's POV
"I'm out."
Ang kaninang pananahimik niya ay naputol ilang segundo lang ang makalipas. Hindi ko pa masyadong narerehistro sa utak ko kung ano ang sinabi niya. Pero narinig ko. Narinig ko ang naging sagot at dahilan niya sa tanong ko dalawang linggo na ang nakakalipas.
Hindi na niya hinintay pa na may mag-bukas ng box kung nasaan man kami dahil kumilos na siyang mag-isa. Hindi pa nga tapos ang oras namin pero hindi ko na siya pinigilan pa sa kung ano ang balak niya.
She walked away, not minding if I had heard what she said or not. And maybe... maybe that was the point.
She didn't want me to hear it. Maybe she didn't say it for me to hear it-understand her, perhaps. Maybe she said it for herself. Maybe for the first time in a very long time, she needed to hear her own truth out loud.
Malakas ang tunog na nanggagaling sa speaker, maingay ang paligid ko, malakas ang tibok ng puso ko, pero tila biglang tumahimik ang lahat. Parang biglang lahat ng narinig ko mula sa kaniya ay naglaho sa ere.
Pero hindi ako bingi. At lalong hindi ako manhid.
Narinig ko ang panginginig ng boses niya habang sinasabi ang mga katagang 'yon sa akin. Mga katagang kahit kailan ay hindi ko inasahang maririnig at manggagaling sa kaniya.
Bumuntong-hininga ako nang makabalik sa upuan ko, my mind floating. Parang hindi ako mapakali matapos ng usapan namin na 'yon. Mayroong parte sa akin na gusto ko siyang sundan para mag-tanong pa.
"Wha haffen, Vella?" I came back to my senses when I heard Desiree's voice from behind, until she sat down next to me with her bucket full of candies. "Why you crying agen? I know. Vamfyr, right?"
Kung hindi lang namamahala ang boses ni Miss Amaranth ngayon sa boses ko ay malamang sa malamang, nasampal ko na siya kagaya ng nangyari kay Hanna. Pero suwerte siya dahil masyado akong okupado para gawin sa kaniya 'yon.
"Lalabas muna ako," paalam ko sa kaniya matapos mamayani ang pananahimik ko sa aming dalawa. "Papahangin lang."
"Huh?" nagtatakang sagot niya. "Malamig naman dito, ah? May nangyari ba?"
Umiling lang ako sa kaniya bago ako tumayo para sa paglabas. "Babalik ako."
Habang papalabas ako ay hindi ko pa rin mapigilang isipin ang naging kwento niya sa akin. From the way she said and summarized it, I knew she have been keeping it for a long time. I knew she needed that-to at least confide on someone. She needed to tell someone about it, or else it will consume her whole.
When I went out of the hall, the wind welcomed me. As though it was expecting me, so it welcomed me with its warmth.
It brushed against my hair gently, lifting strands of my hair like a familiar hand might. There was a quiet hush in the air-probably joining the Halloween-the kind that follows a deep conversation or the last note of a song.
Out of nowhere, I had the sudden urge to type a message-rather a reminder to someone. Someone who had just told me a fraction of her thoughts.
Her voice still echoed faintly in my mind, not in volume, but in weight. She hadn't said much-but it was enough to leave something lingering.
I don't want to make mistakes, Adelaida.
I pulled out my phone, unsure of the words. Ilang minuto akong nakatitig lang sa screen ng cellphone ko, bahagyang pinapatunog ito gamit ang mga daliri ko. Ang mga daliri ko ay nagtitipa, pero hindi alam kung ano.
BINABASA MO ANG
Behind Her Shadow
RomanceGxG | ProfxStudent | Magkapitbahay | Estrella University Series #2 Maria Adelaida, the flower crocheter of the Montecer cousins, has unexpectedly decided to roam around the village for fun, only to end up seeing the 'perfect daughter' of the Mendoza...
