Maria Adelaida's POV
One of the few things I learned back in Senior High School in Personal Development is the different types of Coping Mechanisms.
According to our lesson in PerDev, displacement is when an individual shifts a response or reaction from its original object to less dangerous or threatening object. Pent-up emotions are redirected towards an object or persons.
And I knew I was experiencing it right now, but not as the individual who shifts a response, but as the less threatening and weaker object. It happened to be me.
"Punyetang buhay 'to!"
'Yun ang naabutan ko nang makarating ako mula school dito sa bahay. Hindi ko alam kung anong mayroon, pero alam kong magulo ang dadatnan ko hindi pa man ako nakakapanhik sa itaas.
Simula pa lang naman, alam ko nang hindi magandang ideya na mag-stay dito sa bahay si Mama. Marahil, oo, kasi mag-aaway kami sa tuwing makakakita siya ng chance... pero iniiwasan ko naman. Pero, alam ko sa sarili kong hindi lang dahil doon.
Si Mama, kahit pa ilang taon kaming hindi magkasama, alam na alam ko ang ugali niya. Namulat akong mahirap kami, wala kaming masyadong pera, at hindi kami ganoon ka-fortunate sa buhay. Ang kawalan ng pera ang isa sa dahilan kung bakit iritable si Mama kahit pa sa maliliit na bagay.
Kaunting imik ko, sisigawan niya ako.
Kaunting tawag, bubulyawan niya ako.
Minsan, naiintindihan ko siya. O baka talagang pilit ko na lang iniintindi. Kasi gano'n naman dapat, 'di ba? Kami ang magkasama kaya dapat isa sa amin ang nakakaintindi.
Pero bakit ako 'yon?
Sa aming dalawa, bakit ako?
Ako ang bata, bakit palaging ako?
Pero... mahal ko ang Mama ko.
Noon.
At least that's what I remember before she decided to give me away.
The scars were gone, but it never truly faded. I could only wish it was a physical scar, because emotional scars are cruel. It's cruel because it lingers... it whispers... sometimes it screams...
It is so loud darkness becomes inviting.
But I don't want for the darkness to swallow me whole, so I played deaf.
"Ate, h'wag kang sumigaw! Baka marinig ka ng kapitbahay!" Habang paunti nang paunti ang hahakbangan ko sa hagdan, naririnig ko ang boses ni Tita na pinapatigil si Mama.
I could only heave a sigh.
Mahaba na ang naging takbo ng araw ko. We had new teachers, pinuntahan ko ang ilang costumers ko, nag-review para sa mga susunod na lessons, at naghabol ng mga kailangang ipasa sa mga bagong Professor.
Kauumpisa lang ng Second Sem, at mukhang kauumpisa lang din ng topak ni Mama.
"Jusko naman, Adeline! 'Yan pa ang poproblemahin mo?! Hayaan mong marinig ng mga putanginang kapitbahay!"
"Ate, ang bibig mo!" Saway ni Tita sa kaniya. "Wala ka sa bahay mo, puwede? H'wag rito sa bahay ko! Kung gusto mo, doon ka sa bahay mo magbunganga."
BINABASA MO ANG
Behind Her Shadow
RomanceGxG | ProfxStudent | Magkapitbahay | Estrella University Series #2 Maria Adelaida, the flower crocheter of the Montecer cousins, has unexpectedly decided to roam around the village for fun, only to end up seeing the 'perfect daughter' of the Mendoza...
