CHAPTER 11

20 8 1
                                    

A/N: Hi mga O.A! sorry if bitin, hehe
don't worry hahabain ko na pag
need talaga sa ngayon, intindihin
nyo na muna bahala kayo diyan
pag hindi nyo iintindihin charot!

Enjoy reading!💋


Zahaira Ysabel's P.O.V

Nakakabingi ang katahimikan sa
pagitan namin ni Ate, pasimple ko
siyang sinusulyapan ngunit busy
lang siya sa pagmamaneho, nung
nangyari kahapon naiintriga talaga
ako kung ano yung totoo, tinanong
ko naman si Ate about don pero hindi
niya masagot.

"Zahaira!" Sigaw saakin ni Ate, doon
lang ako bumalik sa reyalidad, napansin kong hindi na umaandar
ang kotse hindi ko man lang
namalayan na nandito na kami sa
parking lot ng AIS

"Ate yung phone ko?" Tanong ko,
kanina ko pa kasi sinasabi puro siya
wait ng wait!

Bumuntong hininga siya at saka
binigay saakin ang phone hindi ko
na siya pinasalita pa at lumabas na
ko sa kotse, pagkalabas ko naman
ay pinaandar agad niya ang kotse,
hindi ko na siya pinansin pumasok
na agad ako sa gate at talaga namang
ang lucky ng day ko ngayon dahil
nakita ko si Mikha na papunta na sa
building, halatang halata na matamlay ito. Lakas loob ko itong
hinarangan sa dadaanan niya

Nung una ay nakakunot ang noo niya
ngunit ng makita niyang ako yun ay
nagbago ang reaksyon niya, umiwas
ito ng tingin at lalakad na sana sa
kanan ng harangin ko ulit siya, need
ko talagang magtanong kung paanong
nangyari naging president si Jeanne.

"Zahaira!" Sigaw niya mukhang
nagtitimpi na lang ng galit, ngunit
hindi ako natinag nanatili akong
nakatayo habang nakacross-arms,
bumuntong hininga siya at saka
ako tinignan"What do you need?"

"Nandaya si Jeanne alam mo ba
yon?" Deretsahan kong tanong,
ang akala ko ay magugulat ang
makikita kong reaksyon niya pero
umiwas lang ulit ito ng tingin at
saka bumuntong hininga nanaman.

Alam ba niya?

"Mikha? I need to talk to you."
Nakikiusap kong sabi, tumingin
ito saakin kahit napaka tamlay
niyang tignan maldita pa rin siya
pag natingin well, I think that won't change anymore.

"Para saan?" Masungit niyang
tanong

"About sa pagiging president..
nandaya si Jeanne at-"

Pinutol niya ang sasabihin ko
"I know." Matamlay niyang saad
at maglalakad na sana siya ng
hawakan ko ang braso niya"Ano
ba!" Inis niyang hinila ang braso
niya

"Mikha? wala ka man lang ba-"

"Wala." Mabilis niyang tugon at
saka siya naglakad ulit, sinundan
ko siya ng tingin matamlay na
matamlay ang mga kilos niya, at
hindi ko tanggap ang sagot niya.

Jeanne cheated but she's not going to do anything? She's so stupid,she
didn't even consider what might happen to the students. Kahit napaka
sama niya ring president magaling pa
rin siyang presidente, demonyong
president siya pero mas demonyo
yung Jeanne na yon.

Napabuntong hininga na lang ako
tumaas na sa third floor, pagpasok
ko sa classroom ay kaagad na
kumunot ang noo ko ng makita ko
ang mga classmate kong nag kukumpulan, lahat sila ay nakalapit
kay Kokoy i think may kinukwento
yang ungas na yan. Napailing na lang
akong lumingon kay Rei na nakatayo
na sa harapan habang nakacross-arms
na nakatingin sa mga ungas

Tsk tsk tsk ginagalit nanaman ang
president.

Napangisi ako at saka lumapit
sakanya, lumingon siya saakin pero
saglit lang yon blanko ang mukha
niyang nakatingin sa mga ungas na
ngayon ay tumatawa tawa pa, tinignan ko din ang mga classmate
ko at saka nag cross-arms.

PART 1: Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now