Xave's POVNaupo ako nang maayos, kaharap ang mga bisita, kasama ang pamilya ko sa magkabilang gilid. "Ito na ba 'yon?" tanong ko sa sarili ko, ramdam ang nagkukumahog kong kaba. Sana mali ako, pero yong utak ko syempre abala sa pag-iisip ng lahat ng posibleng mangyari kahit na alam ko na it will happen nabigla pa rin ang tigreng disney princess niyo.
Hello Xave meron bang ganon, of course babaeta deadma sa basher. Confirmed baliw na ko.Mula sa gitna, mukha akong kalmado, pero sa totoo lang, sa sobrang kaba ko, lahat ng tao sa paligid ko ay parang naging mga walang mukha, na face blind ang tigreng disney princess niyo. Pinili kong maghintay na sila ang magsimula ng diskusyon baka sabihan pa kong epal eh mahirap na baka di ko matantya magsabi non.
Nasa kanan ko si Dad, kasama si Mom sa tabi niya. Nasa kaliwa ko naman ang kuya ko. Seryoso ang mga ekspresyon nila, at parang mas tumindi ang tensyon sa paligid. Kahit na nasa gitna ako at parang naiipit sa silent war nila, pakiramdam ko kaya ko pa namang harapin sila easy lang to kahit pinagpapawisan na ata pwet ko. Yuck kadirdir Xave. Sobrang tagal naman kasi nilang magsimula tapos walang galaw para kami g sundalo ampvtcha.
Napapitlag ako nang magsimula si Dad batiin ang mga bisita. Napatingin ako sa kanila, pilit na tinatago ang gulat sa mukha ko. Doon ko nakita ang lalaking nakita ko sa mall, nakatitig sa akin nang walang emosyon. Okay guys mukhang siya ang male lead ng nobelang to taray ah nagmukha akong kontrabida sa face card niya. Siya na tong kahit may gawing masama ang hot parin. Di naman ako bias noh hehe.
Kunwaring walang pakialam ang tigreng disney princess niyo pero memorize ko na pala kahit beauty mark sa leeg, itago Xave ang pagka hayok sa face card ha, tumingin ako sa mga katabi niya. Nakilala ko ang isa sa kanila, na sa tingin ko’y kapatid niya, na nakita ko rin sa mall. Kasama nila ang dalawang taong mukhang kaedad nina Mom at Dad—malamang sila ang mga magulang nila.
Ah, ito siguro ang arranged marriage na sinabi ni Dad. Parang sumikip ang paligid. Nasa squatter ata kami mga beh masyadong polluted ng black aura. Nahiya naman ako sa angas nila. Sa lahat ng klase ng lalaki, bakit ganito pa? Siya ang tipo ng lalaking sinasabing “hot but cold.” hot kasi hot nga siya rawry at cold kasi feeling ko ayaw pahawak ket dulo ng buhok eh, edi siya na. Nang judge na naman ako baka naman iba tingnan ko nalang mamaya na ang product review (product review!!??).
Mukha niya palang eh halos perpekto. Sobrang blessed, sobra-sobra. Iniisip niyo siguro, paano ko siya natandaan agad kahit saglit ko lang siyang nakita? Eh kasi naman, sino ba ang makakalimot sa isang mukha na parang Adonis? Wala, 'di ba? Wala aminin niyo haha malilimutin tayo pero pagdating sa ganito beh walang limot limot.
“We’re glad you arrived early, Lavinia, Alaric. Please make yourselves comfortable during your stay here,” seryosong sabi ni Dad bago bumaling sa mga kasambahay. “Kayo, asikasuhin niyo ang gamit ng mga bisita. Ilang araw silang mananatili dito, kaya maging hospitable kayo.” Para namang di hospitable mga yan makapagsabi, kung sabihin mo ngang magbigti sila bibigti ata mga yan chawwoootttt pero ganong vibes nakikita ko beh.
“Before we begin, let me introduce you to our youngest daughter, Xave Montesseri.” Tinapik ni Dad ang likod ko at tumango. “Ah, good morning po,” bati ko sa kanila sabay bahagyang yuko at ngiti. Diivaa disney princess kunwari magalang.
Ngumiti sila sa akin, at sa tingin ko, mukhang mabait naman ang mga magulang niya. Nakakagaan ng loob, kahit alam kong hindi ko rin naman sila madalas makakasama.
Nagpatuloy ang palitan ng mga pagbati na halos hindi ko na pinapansin. Lumubog ako sa sarili kong mundo, alam kong wala naman akong maiaambag sa usapan ng mga matatanda. Isip bata ako I know duh.
Habang nagpapatuloy ang usapan, bumalik sa isip ko ang mall encounter namin. Naalala ko kung paano, sa gitna ng maraming tao, nagtagpo ang mga mata namin. Hindi siya ngumiti, katulad ngayon, at sa halip ay naramdaman ko ang isang kakaibang lamig na dumaloy sa akin. In short a fvcking dangerous entity haha.
“Xave, anak, ano sa tingin mo?”
“Huh? Ano po?” Sinubukan kong magpanggap na narinig ko ang tanong, pero halata bang wala talaga akong naintindihan? Hah ayan lutang pa Xave.
“Pardon, Dad?” Ngumiti ako nang awkward at kinamot ang braso ko na natatakpan ng sweater.
“I said, what do you think about spending time with Valar to get to know each other before the wedding?”
Spend time together? What the— Napalingon ako kay Dad. “Spend time together? You mean, like going to school together?” tanong ko, kunot-noo.
“What other kind of spending time together do you think I meant?” tanong ni Dad nang seryoso. Grabe naman tong si Dad nilalaglag ang disney princess niya wag sana gumaya sila kuya sa kanya.
“Ah, wala po, Dad. Never mind. Just making sure I’m on the right track here,” sagot ko habang pilit na ngumiti kay Dad, kahit sa loob-loob ko gusto ko nang maglaho dahil sa kahihiyan.
Authors rants: sheeesshhh haha
YOU ARE READING
Reincarnation Series: Mafia Daughter
FantasySynopsis Blea Anderson, a distinguished general, achieves success and maintains an untarnished reputation. Yet, a lingering emptiness haunts her, an elusive void she can't identify. Despite numerous attempts to pinpoint it, she remains in the dark. ...