Zahaira Ysabel's P.O.V
Nagising na lang ako malakas na
katok na nanggagaling sa pinto ng
kuwarto ko! Nangibabaw ang sigaw
ni Ate! at panay katok rin ng malakas!
kinuha ko ang unan ko at saka tinakpan ang tainga ko pero ala-epek!"Hoy! Gising na! Aba! malalate
ka!!!" Sigaw ni Ate"Gising na!!!" Sigaw ko at saka
nakasimangot na bumangon sa
aking kama, sa wakas nawala na
rin ang malakas na katok karindi.
Inayos ko na ang higaan ko, tinignan
ko ang orasan ko at putek! gusto ko
na lang kutusan si Ate! may pasabi
sabi pa siyang late tapos 9:06 pa lang
pala eh saktong 12 yung simula ng
klase!!Napasigaw na lang ako sa inis!
dumeretso ako sa banyo, pumunta
ako sa sink at saka tinignan ang mukha ko sa mirror, napabuntong hininga ako ng makita ko ang kalmot na maliit sa pisngi ko, nanlalambing lang naman ako kay Dark kagabi tapos kinalmot ako, kaagad ko rin naman nilinis pero kita pa rin yung kalmot.Naghilamos nako at saka nagsipilyo,
pagkatapos non ay nakaroba akong
lumabas ng banyo para mag hanap
ng maisusuot, sinuot ko na lang ang
t-shirt ko, at saka ako bumaba.Pagtingin ko sa dinning table ay
nandoon na si Zarina, maputla ang
labi niya i think kaya niya na but
hindi ko maiwasan mag worried."Oh! gising ka na sumabay ka na
saamin mag breakfast" Utos ni
Ate, hindi ako nagsalita umupo ako
sa bakanteng upuan yung walang
katabi, nakakailang panay ang sulyap
ko kay mommy pero hindi ko siya
nakikitang nakatingin saakin, sana
pala hindi na lang ako nagsalita
kagabi, nakakailang tuloy ang
pagiging tahimik namin.Kumuha ako ng fried rice, bacon, hotdog, at egg kumuha rin ako ng
toast bread at saka juice. Sa pag
kakaalam ko umuwi muna ang mga
katulong namin sa province nila
except kay Melissa. Kaya siguro siya
ang nagluto nito or si mommy."Bilisan mo ngang kumain!"
Mayamaya ay sigaw ni ate saakin
sinamaan ko siya ng tingin pero
mas matindi pa rin ang matalim
niyang tingin kaya napanguso na
lang ako tumuhog ng hotdog at
sinubo yon."I have to go, kailangan kong
puntahan ang daddy ninyo sa
company" Saad ni mommy at
saka lumapit kay Zarina"Are you
okay? kaya mo na ang sarili mo?"Tanging tango lang ang naisagot ni
Zarina, nararamdaman ko na kung
bakit siya ganyan nalulungkot siguro
siya dahil wala nanaman time saamin
ang aming magulang."Melissa ikaw na ang bahala kay
Zarina, bye!" Paalam ni mommy,
at saka siya naglakad paalis.Tinapos ko na ang pagkain, at saka
pagkatapos non ay tumaas agad ako
para mag toothbrush ulit at maligo.
Nagsuot nako ng uniform, palda, medyas, mas nagmumuka akong
matangkad kapag nasuot ko na ang
black shoes ko. Nakalugay lang ang
abot bewang kong buhok, at saka
inayos ko ang mga bangs ko na
parang hindi naman halata na bangs
hehe.Sinuot ko ang relo, nag spray na rin
ako ng pabango! Lavender! sinipat
ko ang aking sarili sa malaki kong
salamin, mukhang tao nako kaya
okay na! kinuha ko ang band-aid at
nilagay sa pisngi ko doon sa kinalmot
ni dark, Tumatanda na kasi siya kaya
nagiging attitude na. Kinuha ko ang
bag ko at bumaba na.Wala na si Zarina sa baba pati na rin
si Ate, siguro nasa taas ni Zarina at
nagpapahinga gusto ko sana siyang
puntahan kaso baka sigawan ako ni
Ate! Sabihin pako ng mabagal!Pagkalabas ko ng mansion dumeretso
nako sa gate alam ko kasing sa labas
si Ate mag-iingay!. Binuksan ko na
ang pinto ng kotse at sumakay sa
passenger seat. Kaagad niyang
inandar ang kotse, naging tahimik
ang byahe namin papuntang school,
siguro ay galit pa rin saakin si Ate..
YOU ARE READING
PART 1: Stay With Me (ON-GOING)
ActionDumalo ka sa en grandeng' selebrasyon at may nakilala kang lalaki na hindi mo inaasahan na sasabihin niya sayo... Ang sabihin saiyo na maging (Fake girlfriend niya) Papayag ka ba? [Stay With Me 1] (ON-GOING)