19

2.3K 86 4
                                    

"Do you know what time is it?" Cara ask annoyingly.

Kakarating ko pa lang sa harapan nito ay itong tanong na agad ang bumungad sa'kin.

I heaved a sigh and look at her in a blank face.

"I'm here already, so there's no point to lectured around," sambit ko sa inaantok na boses.

She grimaced.

"Bakit ganyan boses mo? Don't tell me, your not practicing the song, you will—"

Pinutol ko ang sinambit nito ng may mapansin ang sugat sa katawan nito, agad kong kinuha ang kamay nito at tinitigan ng mabuti.

"What happened to your wrist?" Kunot-noong tanong ko dito ng mapansing tila sugat ito na nahiwa.

But when I realize the wound.

'Is she cut—'

Agad nitong binawi ang braso nito ng pabalya at tinitigan ako ng masama.

"Just stick your nose to your own business, 'wag kang mag-malinis na talagang may pake ka sa'kin," humalukipkip sya at tinignan ako na para bang Marami akong kasalanan na nagawa.

"Hindi naman—" Naputol ulit ang sasabihin ko dito ng sumabat ulit sya.

She remained unmovable as her eyebrows met.

"Don't be, Alam ko ang ginagawa mo Yvonne at hindi ako malilinlang sa kunwaring pagbibigay mo ng kabaitan sa'kin. Because I already did that and trust me, mas magaling pa ako sa'yo," she talk sarcastically.

Napabuntong-hininga ako sa sinambit nito sa'kin.

"Hindi lahat nagpapanggap," I butted in to her.

Hindi por'ke ginawa niya na 'yun, ibig sabihin ay ganoon din ang motibo. Iyan ang mahirap e, kapag nakakita ka ng isang taong ginagawa niya ang ginawa mo na noon. Iisipin nila na ganoon din ng motibo nito.

Everyone may be doing the same thing but that doesn't mean they have the same motive.

Katulad na lang ng may kakilala ako noong nabubuhay pa lamang ako bilang Geca. May isang dalaga na nagkaroon ng kasintahan at nabalitaan ko na lang na pinaghihiwalay sila ng kanyang ina. I understand where his mother is coming from, pero hindi naman sana na kailangan pang palayasin ang kanyang anak na babae para magtanda.

Moreover, the same thing happened to the mother of the young woman when she was still a child. Hindi por'ke nagkaroon ka ng kasintahan, ibig sabihin nun nabubuntis ka agad.

Magkatulad naman ang pinagdaanan nila ng kanyang ina, magkaiba pa rin ang motibo at kung bakit mo ito ginagawa. There's lust that controlling other couples. On the other hand, there's a genuine love that they control.

"Be ready, I am the first performer." Madiin nitong sambit pero hindi kalakasan.

Dahil nasa backstage kami at marami na ding tao dito. Sinabi na din nito sa'kin na pe-pwesto daw ako sa middle part. The stage divided into three parts. May backstage which is sa pinakalikod na bahagi, Ang front at waiting stage. Ang waiting stage ay ang nasa gitna ng dalawang part.

Ang nagsisilbing harang naman dito ay ang mga kurtina.  Medyo madilim ang lugar na 'yun kaya walang makakapansin sa'kin.

'I can say that Cara planned this well.'

". . . . . . . . . And now! To celebrate and honor the schools anniversary, we welcome to all of you, the talented and youthful students of our very beloved school! The first one we present to you was from the HUMSS department, Ms. Cara Wyn!" The emcee announced.

Reincarnated in that StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon