Chapter 30

17 1 0
                                    

-Kape Pa

Xanthen Pov

"Sinong nag utos sayo na mag manman dito sa resort!" seryosong boses ko na naka tutok ang baril sa kanya.

"M-maam inutusan lang kami n-nang boss namin," aniya kaya kumunot ang noo ko.

"Kong ayaw mong mamatay sabihin muna ngayon din!" ani ko na mas diniinan ang baril sa noo nya.

"M-may b-bomba ho d-dito tatlong bombang naka planta, may mga k-kasamahan po ako n-nandito na sa loob handang patayin lahat i-isa kana daw po don, y-yong boss namin ang nag u-utos, m-may naka plantang b-bomba sa bawat sasakyan na, nandito sa resort nato." aniya kaya kumuyom lalo ang kamao ko.

"G-gusto ka daw n-nyang makitang m-mamatay sa sakit," aniya kaya sa inis ko agad kong pinutukan ang noo nya.

"Mommy daddy," ani ko na tumatakbo agad papasok.

"Oh anak kakatapos mo lang ba?" ani naman ni mommy kaya bumilis lalo ang tibok nang puso ko.

"M-mommy, d-daddy umalis na tayo ngayon na," ani ko na agad kinuha si Celestina sa pag ka hawak ni Mikay.

Kinuha naman agad ni Kevin si Kyle, tumingin ako kay ate na nag tataka.

"A-ate, t-tara na umalis na tayo dito," ani ko na naka tingin sa kanya habang sya nag tataka.

"Mommy daddy, Manang...Mikay let's go na," ani ko na lumabas agad nang bahay pero.

"Calm down okay," ani naman ni Kevin kaya kumunot ang noo ko at taas kilay na tiningnan sya na kina iling naman nya hanggang sa mag salita si Jake.

"The bomb they planted has already been defused. Earlier, they all died except for the person you saw." Ani naman ni Jake kaya kumunot ang noo ko.

"Your husband knows, alam nyang mangyayari ito dahil sa mga ginagawa mo, inunahan ka niya. Ang lalaking nakita mo ay pinabayaan niya para makatakas, pero walang duda, duwag pala." Ani naman ni Jake kaya tumango nalang ako.

"Ano pong meron?" tanong naman ni Celestina kaya napa tingin ako sa kanya.

"A-ahh wala anak," ani ko naman habang pinahidan ang labi nyang puno nang cake.

"Mommy play lang po kami sa room," ani naman ni Celestina kaya tumango ako.

"Ilang bomba ang na defused nyo?" tanong ko dahil kabado ako nang diko alam kong bakit.

"Dalawa," ani naman nila kaya kumuyom lalo ang kamao ko.

"Duwag!" ani ko at tumakbo wala na dito sila Amelia, Kyle, Celestina, at Belle.

"Celestina!" sigaw ko pero mukhang di nila narinig, sumunod si ate.

"Ale may bomba sa kwarto nang mga bata," sigaw ko at tinuro sina Celestina na umakyat ba nang hagdan.

"Putangina!" sigaw ni ate na alam kong sumunod din agad sa akin.

Bago paman maka pasok sila Celestina nahila kona sila lahat at nauna na.

"Ate hilahin mo!" sigaw ko hawak hawak nila ang mga kamay nila habang ako naka hawak sa doorknob para di nila mabuksan.

Agad hinila ni ate ang mga bata kaya agad silang gumulong pababa habang ako naman nadulas at naka pasok sa loob.

"AHHH!" sigaw ko nang mahulog ako sa second floor at kasunod ang pag sabog nang bomba.

"Aray!" daing ko nang maka tayo ako mula sa swimming pool dito.

Basa akong tumayo, umusok na ang kwartong yon kaya mas lalong kumuyom ang kamao ko.

Lumabas agad ako sa pool side pero na stranded ako dahil may usok na pala sa baba.

Wala akong choice kundi ang tumalon sa mataas na semento at may mga biak na baso.

Papalapit dito ang sunog, di nako nag dadalawang isip at umatras.

Pinutol ko ang dress ko kaya naiwan ang pang ibabang dress at nag mistulang short dress nalang to hanggang pwetan pero medyo mahaba naman.

Tinakbo ko agad iyon at tinapakan ang punong nasa gilid saka tumalon kaya bumagsak ako sa damuhan.

"Aray sakit non!" daing ko at agad na lumabas don, huli na nang makita kong malakas na ang apoy.

Tumingin ako kina mommy na humagulgol at narinig ko ang sigawan nila mommy, daddy at iba pa.

Umupo ako sa sasakyan na nakaka part dito saka pinanood sila.

Naka number four lang akong umupo pinanood ang nag hagulgolan.

"Pahingi ngang chips," mahinang boses ko at kinuha yon, humagulgol naman ang isa kaya umirap ako.

OA! Umatras na nga si kamatayan dahil di ako mamatay matay! Duhh.

"Yong anak ko tulungan nyo ilabas nyo nang buhay," ani naman ni daddy kaya tumaas ang kilay ko na pinanood sila.

Shit namang puson to ang sakit!!

Lumuhod na ang ilan dahil sa pag ka matay ko daw.

"Di papo ba tapos yong movie?" tanong ko sa kanila kaya tumingin sila sa akin habang ako ngumunguyang kumain nang chips.

"Mukha namang abo na yong hinanap nyo," ani ko na bumuntong hininga at kumuha nang chips.

"Pangit naman nang movie nayan, pero sige tuloy nyo nalang atleast naka panood ako nang live," ani ko na ngumiti pa habang sila ngumanga na.

"B-buhay ka?" ani naman nang isang babae kaya tumawa ako.

"Ayaw akong tanggapin ni San Pedro," aniko na umirap sa kanila.

"Mommy," boses ni Kyle at Celestina sabay yakap sa akin.

"Akala namin patay kana," ani ni Mikay kaya umirap ako.

"Pina balik ako ni san pedro naiwan ko daw Id ko," ani ko na ngumisi.

Umirap naman sya, pero dumaing ako.

"Don na muna kayo kay Lola," ani ko at tumayo.

"San ka pupunta?" tanong ni Kevin kaya napa tingin ako sa kanya.

"Mag bibihis bakit gusto mo sumama?" sarkastikong ani ko kaya napa iling sya.

"Duduwag!" umirap na ani ko at nag lakad.

"Beh may tagos ka," ani naman ni Mikay kaya tumingin ako sa kanya.

Tinuro naman nya ang sasakyan kong may dugo sa kinauupuan ko.

Napa lunok ako don pero ngumisi din.

"Di yan tagos beh, nasugatan pwet ko sa pag talon ko kanina kaya yan may dugo," naka peace sign kong ani at dali daling pumasok sa sasakyan ko.

Tumawa naman sila pero diko pinansin, hinayaan ko silang tumawa at agad kong binusinahan nang malakas kaya lahat sila napa talon sa gulat.

Lumabas ang ulo ko sa bintana.

"Kape pa," sigaw ko at pumasok na sasakyan saka nag maniho na para umalis na don.

Please Be With Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now