Chapter 42

5.6K 230 125
                                    

Kinabukasan ay maagang nagising si Raven at bumaba sa kusina. Ang totoo niyan ay hindi siya nakatulog ng mabuti. He was really thrilled at the thought that he was actually here in the Philippines to learn about the things he had forgotten.

Anong klaseng anak kaya siya noon? Ano kayang mga hilig niya? Anong mga kadalasan niyang gawin?

Ano ang paborito niyang ulam? Anong movie? Anong kulay?

At higit sa lahat, nagkajowa na ba siya noon?

He tried asking his father about those things, pero magkaiba naman ang sagot nito sa sagot ng ina. Looks like they never really got to know him well.

Or maybe because they never bonded that often given his parents' careers.

Kaya tinanong niya ang ama kung sino-sino ang mga taong pwede niyang pagtanungan.

And his father only mentioned a few names.

His bodyguards.

Ang mga kasama niya madalas noon sa Malacañang at sa mga ganap niya sa buhay.

Nang pumasok siya sa kusina ay natigilan siya nang makita doon ang lalaking si Hunt na may kasamang apat na lalaki. Their heads turned to him all at the same time, and the six of them looked at each other.

Pero ang mga mata niya ay nakatuon kay Hunt na walang damit sa countertop habang umiinom ng tubig.

Pawisan ito habang nakatitig sa kanya ng husto.

"Raven!" Magiliw na bati noong Kei na siyang nakasama niya sa airport kahapon. "Halika, kumain ka na?"

Lumapit si Raven sa kanila at umuling, "Hindi pa. Ngayon palang."

"Come here." Hunt pulled out a chair for him and motioned him to come.

Without realizing, Raven had already walked towards him, settling on the chair he had ready for him like it was a natural thing to do.

Natigilan siya.

Weird.

Pinaghanda siya ni Hunt ng pinggan na may kanin at ulam. Ang dalawang lalaki naman doon ay bumukas ng ref at ipinagbalat siya ng mangga habang yung isa pinagtimpla siya ng juice.

Tumabi sa kanya si Hunt at inabutan siya ng kutsara't tinidor.

"May gusto ka pa ba? Magsabi ka lang."

Bakit ba ang lumanay ng boses ng Hunt na to?

Naiilang nanaman tuloy siya!

"Wala na. Thank you." Tumingin din siya doon sa nag timpla ng juice niya at naghiwa ng mangga. "Salamat din sainyo...uhm..."

"Dashwin." Naglagad ng kamay yung lalaking tumimpla ng juice.

"Ako naman si Cameron." Sabi ng lalaking naghiwa ng mangga.

"Kilala mo na ako Raven, diba?" Sali no'ng si Kei.

Tumango si Raven.

"Ito naman si Axel." Inakbayan ni Kei ang lalaking gray ang buhok, "Shy type 'to kaya hindi maaasahan."

"Tsk." Axel rolled his eyes at Kei. "Para-paraan ka naman, Valdez."

Tiningnan ni Raven ang pinggan niyang puno ng pagkain at napakamot ito ng leeg. He looked up to Hunt that was already looking at him.

My Only SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon